Banat ng mga bashers, dapat na raw hiwalayan ni Vice Ganda si Ion Perez dahil…

Banat ng mga bashers, dapat na raw hiwalayan ni Vice Ganda si Ion Perez dahil...

Ion Perez at Vice Ganda

JINX o malas nga ba si Ion Perez sa buhay at career ng Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda?

Yan kasi ang pinalalabas ngayon ng ilang netizens matapos magsunud-sunod ang isyu at kontrobersya na kinasasangkutan ng TV host-comedian, kabilang na ang pagsuspindi sa “It’s Showtime” ng MTRCB at pagsasampa sa kanya ng kasong kriminal ng isang social media group.

Kaya naman ang suggestion ng mga bashers at haters, iwan na ni Vice si Ion dahil mukhang ito raw ang nagsisilbing malas sa kanyang buhay.


Sa chikahan ni nina Nanay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sa YouTube channel nilang “Showbiz Now Na” nitong nagdaang Lunes, October 9, napag-usapan nila uli ang relasyon nina Vice at Ion.

Sey ni Nanay Cristy, may nagchika sa kanya na mas mabuti raw na hiwalayan na ni Vice ang “asawang” si Ion dahil mula raw nang maging magkarelasyon sila ay marami na umanong hindi magagandang nangyari sa buhay ng TV host

Baka Bet Mo: Cristy Fermin sinabing marami pa ring duda kay Ion Perez: Pera pa rin ni Vice at popularidad ang makikita ng publiko na nagustuhan niya

Ayon sa batikang manunulat, “Lagi ka nang nagiging target ng mga intriga. Lagi kang sumasabit, di ba? Baka mukhang hindi yata magandang ano sa ‘yo si Ion.”

“Impluwensiya,” ang mabilis na sabi naman ni Romel.

“‘Yung impluwensiya hindi pa rin, e,” sabi naman ni Nanay Cristy. “Dahil matigas ang ulo ni Vice, e. May kayabangan. Hindi siya maiimpluwensiyahan ni Ion. ‘Yun bang di ba, mayroong magaan at mabigat na karelasyon.”

“Mayroon, totoo ‘yun,” ang pagsang-ayon naman ni Romel.


Sabi uli ni Nanay Cristy, “Kung kilala natin si Vice, hindi niya bibitiwan si Ion. At para naman sa akin, ba’t ka nga makiking naman sa mga sulsol at bulong kung ang kaligayahan mo talaga ay si Ion Perez?

“Naibibigay ba ng iba ang kaligayahang naibibigay sa ‘yo ni Ion?” aniya pa.

Baka Bet Mo: Vice Ganda, Ion Perez suspendido nga ba sa ‘Showtime’ dahil sa mga reklamong natatanggap ng MTRCB?

Sa isa pang episode ng vlog nina Nanay Cristy, sinabi ng veteran entertainment columnist na nagtatapang-tapangan lang daw si Vice sa gitna ng mga kontrobersyang kinakaharap.

“Kung dudukutin po natin ang puso ni Vice Ganda, nandoon din po ‘yung pag-aalala at pagdadala ng problema. Kaya lang, gusto niyang ipakita sa tao na matapang siya, e,” pahayag ni Nanay Cristy.

“‘Yun ang magpapasama sa kanila,” hirit naman ni Romel Chika.

Nitong nagdaang linggo, ibinasura ng MTRCB ang motions for reconsideration ang inihain ng “It’s Showtime” matapos parusahan ng 12-airing days suspension dahil sa pagsubo ng icing nina Vice at Ion gamit ang kanilang daliri sa “Isip-Bata” segment ng kanilang programa.

Bukod dito, sinampahan din ng mga kasong kriminal sina Vice at Ion ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas, Inc. (KSMBPI) dahil umano sa nagawa nilang “indecent act” sa “Isip Bata”.

 

Read more...