Naniniwala ang award-winning Kapuso star na wala siya sa kinalalagyan niya ngayon sa entertainment industry kung hindi dahil sa kanyang mga tagasuporta na mula noon hanggang ngayon ay patuloy na nagmamahal sa kanya.
Ang mga fans daw ang dahilan kung bakit buhay pa rin ang mundo ng showbiz at kung bakit may nga trabaho pa rin ang mga artista sa telebisyon at pelikula.
“My fans are not perfect. I’m not perfect. We are all not perfect but one thing is clear and for sure, I love my fans very much,” ang pahayag ni Alden sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda.”
Pagbabahagi pa ng binata, hindi sapat ang pagpapasalamat para maibalik niya ang ibinibigay na pagmamahal at pagsuporta sa kanya ng mga fans all over the world.
“From the bottom of my heart, in everything that we do, the showbiz industry would not be here if not for the fans, if not for the people who watch the things that we do, buy tickets, fall in line to concerts, and wake up early,” ani Alden.
Kasunod nito, naging emosyonal na nga ang aktor at TV host nang alalahanin ang ginagawang pagsuporta sa kanya ng publiko.
“Ang sarap po sa pakiramdam that there are people who are willing to go out of their world just to be with you, to show their love and support and ang liit-liit lang po ng hinihingi nila pabalik, which is acknowledgment,” pahayag ng Pambansang Bae.
Dagdag pang pahayag ng binata tungkol sa ibinibigay niyang pagpapahalaga sa kanyang loyal fans, “As an actor and now as a producer, I want to practice inclusivity.
“I want them to be always part of all the things that I’m gonna be doing because they deserve it, they deserve the credit, and if not for them wala po ako sa kung nasaan ako ngayon,” ang mariin pa niyang sabi.
Dumating din daw siya sa puntong tinatanong na niya ang sarili sa gitna ng tinatamasang tagumpay, “I ask myself, gusto ko po ba lahat ng ‘to? Itong ginagawa ko?
“Because for the longest time, I’ve been so efficient by being by myself with all of these negative happenings in my life. I contained all of it,” aniya.
Nabanggit din ni Alden na totoong napagod na rin siyang maging malakas sa paningin ng ibang tao, “I don’t want to burden people, most especially my family.
“Because I feel like I’m the foundation of our family and regardless of anything bad that is happening to us they always cling to me because they think I’m strong. Pero being strong has limits din po pala Tito Boy,” pahayag pa ni Alden Richards.