TODO ang pasasalamat ng Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose sa lahat ng nagdasal para sa kanilang kaligtasan matapos abutan ng lockdown sa Israel.
Magko-concert sana sila ng kanyang boyfriend na si Rayver Cruz kasama ang komedyanteng si Boobay sa Tel Aviv, Israel ngunit nakansela nga ito dahil sa pagsiklab ng giyera doon.
Ligtas na nakabalik sa Pilipinas ang Kapuso couple, si Boobay at ang buong production ng “Luv Trip Na, Laff Trip Pa” concert.
Dumating ang mga Kapuso stars sa Clark International Airport kagabi, October 9, base na rin sa mga recent post nila sa social media.
“Maraming salamat po ulit sa lahat ng inyong mensahe at dasal para sa aming kaligtasan,” ang ibinahaging mensahe ni Julie Anne sa kanyang Instagram story ngayong Martes.
Pagpapatuloy pa niya, “Our hearts go out to our kababayans. Everyone in the Middle East and the other parts of the world who are suffering from this conflict.
“We continue to pray for peace. We pray for the world,” sey pa ng dalaga.
Bago pa magkaroon ng giyera sa Israel, nakapaglibot pa sina Julie Anne at Rayver sa ilang tourist spots doon, base na rin sa mga litrato at video na ipinost nila sa Instagram.
Nakatakda sanang maganap ang “Luv Trip Na, Laff Trip Pa” sa Smolarz Auditorium sa Tel Aviv University ngunit nakansela na nga ito dahil sa matinding kaguluhan doon.
Pagbabahagi nina Rayver, Julie Anne at Boobay safe naman sila sa Tel Aviv nang sumiklab ang giyera doon pero talagang naririnig nila ang mga nagaganap na pagsabog mula sa kapalit na mga lugar.
Nalungkot at nanghinayang naman ang buong grupo na hindi na natuloy ang kanilang concert.
Pero sabi nga ni Julie Anne, talagang natakot sila sa mga nangyari dahil first time nilang na-experience ang ganu’ng sitwasyon at senaryo.
Nag-thank you din ang tatlong Kapuso stars sa GMA Network at sa Sparkle management na nag-alaga sa kanila sa Israel.
Related Chika:
Julie Anne San Jose na-enjoy ang paghataw sa ‘Showtime’, na-starstruck sa mga Kapamilya stars