Ricardo Cepeda at Marina Benipayo
UMALMA na ang aktres at dating beauty queen na si Marina Benipayo sa gitna ng pangnenega at pambabastos sa kanyang partner na si Ricardo Cepeda.
Ito’y may kaugnayan nga sa pag-aresto at pagkakakulong ng veteran actor sa Camp Karingal, Quezon City nitong nagdaang Sabado, October 7, dahil sa kasong syndicated estafa.
Nagsalita na si Marina dahil marami siyang nababasa at napapanood sa social media na puro kasinungalingan at fake news daw ang ipinagkakalat laban kay Ricardo.
Sinang-ayunan niya ang naging pahayag ng kanyang anak na si Joshua de Sequera, stepson ni Ricardo, na “wrongfully accused” ang kanyang tatay.
Brand ambassador lang daw ng kinasuhang sales company ang aktor at walang kinalaman sa inireklamon “investment scheme” nito.
Baka Bet Mo: Josef Elizalde may isinakripisyo sa pagganap na pari, pinuri ang mga leading lady sa ‘Purificacion’: Lahat sila nakakaelya!
“Please spread the word. My Father Richard Cepeda Go was wrongfully accused. He was simply the product endorser of a sales company. They used the title BRAND AMBASSADOR (which many companies also use),” bahagi ng Facebook post ng anak ng aktor.
“The company offered an investment scheme (which he had no knowledge nor participation of) which paid people a big % profit monthly.
“Guaranteed with advanced payouts in monthly postdated checks. Eventually the checks started bouncing so the investors filed estafa cases against everyone who they thought was part of the company. Including Ricardo -who was just the celebrity model,” paliwanag pa niya.
Dugtong pa ni Joshua “I have seen a lot of hateful comments about this. IF YOU DON’T KNOW WHAT REALLY HAPPENED KEEP YOUR COMMENTS TO YOURSELF.”
Sa isang TikTok video naman, ipinagtanggol ni Marina si Ricardo, “Si Ricardo was never present in any of those talks about investing. Hindi nga kami nag-invest doon, kasi hindi kami nag-invest, wala kami pang-invest.
“Tsaka hindi po siya signatory, wala siya pinirmahan na kahit anong papel du’n sa kumpanya. Ito nga ang pagka-brand ambassador niya, herbal nga iyan, kasi gusto nga niya tulungan yung tao in the first place,” esplika pa ng 1992 Miss World Philippines.
Patuloy pa niya, “Napakabait niyang tao. Dami niya tinutulungan. Ito nga nangyari, tinutulungan lang din niya yung kilala niya. Pero, you know, of course, lessons learned.
“Never talaga in our lives, never namin ma-imagine na mangyayari sa amin ito,” aniya pa.
May panawagan din si Marina sa mga vloggers na naglalabas ng mali-maling detalye tungkol sa kasong kinasasangkutan ni Ricardo.
“Gusto ko lang po sana i-call to attention yung mga gumagawa ng content. Kasi may nakita po ako mga ibang content na si Ricardo po, yung nangyari sa kanya ang subject.
Baka Bet Mo: Veteran broadcaster Dong Puno pumanaw sa edad na 76
“Okay sana kung maganda ang comment nila for support, they’re praying for you…pero sana po, before kayo mag-comment, sana kung hindi niyo kilala ang tao, huwag na lang kayo magsulat,” ang punto pa niya.
Pagpapatuloy pa ng aktres, “It also entails you being responsible for being the one who commented. And dun sa content creator, dahil ikaw ang nag-post, you’re also responsible for lahat ng comment na lalabas and reactions.”
Dugtong pa ni Marina, “My friends, I would never, ever, ever wish that anything like that would happen sa inyo, kahit hindi ko kayo kilala dahil napakasakit.”
Hindi rin daw totoo ang chika na napakabongga ng kanilang lifestyle, “Kami po, nagsusumikap lang po kami, while at the same time, trying to help as much people as we can, dahil alam po namin kung ano ang pakiramdam ng paghihirap. Alam namin yun, e.”
“Meron kasi diyan, yung iba akala nila napakayaman namin kaya nangyayari daw sa amin ito. Friends. Wala po,” paglilinaw pa ni Marina.
“Unang-una, sasabihin niyo yung lifestyle. Friends, hindi niyo kami kilala. Pero alam na alam ng pamilya, ng mga kaibigan namin, mga kamag-anak namin, na napakasimple ng buhay namin.
“We’re very low-maintenance. Hindi po kami nagbabakasyon. Road trip lang nga, malaking bagay na sa amin. We don’t have expensive clothes.
“We just make the most of what we have. Yan nga din minsan ang itinuturo ko. You make the most of what you have,” sey pa ng aktres na nagla-live selling ng mga bags.
“Hindi din kami lumalabas, di ba? All we need really now are prayers. Nothing less. Yun lang po. Itong tirahan namin, maliit lang ito. Hindi naman namin itinatago yung facts. Naglalaba ko.
“Wala kaming tinatago. Lahat ng nilalabas namin, kung ano kami talaga. We don’t even have anything in our name. We live humbly. We live very simply. Hindi kami… Wala, wala, wala. Hindi kami ganon,” pagtatanggol pa niya sa kanilang pamilya.
Patuloy pa ng aktres, “Sana po matuto po tayo to discern what is the truth. I-discern po natin kahit yung mga sinasabi natin, mga sinusulat natin. Kasi may pamilya po (na nadadamay).
“Sanayin po natin na kung puwede if magsusulat tayo or magko-comment or magpo-post ng video, it’s always for support and prayer. Dahil yun ang pinakakailangan namin ngayon. Please use your social media power well and responsibly,” litanya ni Marina.