MATINDI at talagang challenging ang ginawang paghahanda ni Paulo Avelino para sa karakter niya sa Kapamilya drama series na “Linlang.”
Naikuwento ng binata sa nakaraang presscon ng serye ang naging struggle niya para magampanan nang tama ang kanyang role bilang si Victor, ang asawa ni Juliana, ang karakter naman ni Kim Chiu.
Ayon kay Paulo, kinailangan niyang magpataba para sa simulang bahagi ng “Linlang” at pagkatapos nito ay nagpapayat naman siya para sa gitna hanggang sa huling bahagi ng kuwento.
“Hindi madali. Siyempre kasi at the start of the show, upon pitching it to me, nag-ready na kaagad ako to gain weight and part of that, of course, you lose other projects.
“You can’t do other projects because you’re big, you’re heavy, ang dami talagang naapektuhan,” simulang pagbabahagi ni Pau.
“Iniisip ko lagi it’s for the show, para rin ‘to sa show. Tapos pagkatapos nun kinailangan ko pang magpapayat, doble hirap. ‘Yung usapan ganito katagal tapos pabawas nang pabawas ‘yung mga days na binibigay na palugit sa akin,” aniya pa.
Mas lalo pang na-challenge si Paulo nang bigyan siya ng deadline para mabawasan ang kanyang timbang para sa transformation ng kanyang karakter na magiging sikat na boksingero sa istorya.
“Sabi ko ayokong mapahiya, gusto ko, maiba ‘yung itsura ko dito sa phase na ‘to ng show o ng serye. ‘Yun talaga, nag-crash diet ako, work out non-stop rigorously and at the same time, I was training for boxing as well dito sa show.
“Mayroon pa isang phase pa uli na nagpapayat ako sa latter part ng show so we could complete it.
“It was hard, mahirap, hindi madali pero iniisip ko lang lagi gusto ko lang ibigay ‘yung dedication ko dito sa show na ‘to and para maiba rin kasi I don’t think it’s been done in Philippine TV before,” sey pa ng Kapamilya actor.
Dagdag pa ni Pau, “It’s something to inspire future actors, the younger generation. I hope they can see all the effort that I gave and I hope it inspires people to do better in the future.”
Ang “Linlang” ay mula sa ABS-CBN Productions at Dreamscape Entertainment at napapanood na ngayon exclusively sa Prime Video with two episodes dropping every Thursday.
Related Chika:
Maricel Soriano nag-sorry matapos sampalin si Kim Chiu: Sabi ko, ‘hindi po, pangarap ko po ‘to bilang artista’
Maricel sa mga artistang gustong magpasampal sa kanya: ‘Naku, huwag! Masisira ang mga mukha n’yo!’