Vice mayor sa Cam Sur huli sa aktong bumabatak ng shabu
DINAKIP ng mga operatiba ng Philippine Drug enforcement Agency (PDEA) ang bise-alkalde ng Milaor, Camarines Sur, matapos siya umanong maaktuhan sa paggamit ng shabu, sa loob ng isang otel sa Naga City Miyerkules.
Nakilala ang suspek na si Vice Mayor Andre Hidalgo, tumakbo noong nakaraang local elections sa ilalim ng partidong Lakas-Christian and Muslim Democrats.
Dinakip si Hidalgo ng mga elemento ng PDEA Regional Office 5 sa silid ng isang tourist inn sa Brgy. Balatas, sabi ni PDEA chief Arturo Cacdac sa isang kalatas.
Nagsagawa noon ng entrapment ang mga operatiba nang mahuli si Hidalgo sa akto ng paghithit ng shabu. Nakuhaan ang bise-alkalde ng sachet na may lamang shabu, sachet na may shabu residue, at sari-saring drug paraphernalia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.