Carla Abellana ibinuking ang tunay na ugali ni Ruru Madrid; bakit mas tumaas pa ang respeto sa mga action stars?
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Ruru Madrid at Carla Abellana
MAS nakilala pa ng Kapuso actress na si Carla Abellana ang Action-Drama Prince na si Ruru Madrid nang makasama niya ito sa taping ng “Black Rider.”
May special participation si Carla sa upcoming action series ng GMA 7 bilang teacher na si Becky na maho-hostage ng isang grupo ng sindikato kasama ang kanyang mga estudyante.
Feeling blessed ang aktres nang i-offer sa kanya ang naturang karakter dahil bukod sa napakaganda na ng role na ibinigay sa kanya ay makakatrabaho pa niya ang ilang veteran at award-winning stars.
“Maraming pagdadaanan ‘yung role ko bilang teacher. Gagawin niya ‘yung best niya na protektahan ‘yung tatlong estudyante niya.
“Magkakaroon ng mga engkuwentro, madaming action scenes,” chika ni Carla sa panayam ng “24 Oras”.
And yes, sasabak din siya sa ilang action scenes dahil bilang hostage makakatikim siya ng sampal, suntok, tadyak at iba pang pisikal na eksena kaya naman nakaranas sila ng mga minor injury.
Kaya naman mas lalo pa raw siyang bumilib sa mga artistang nag-aaksyon kabilang na ang cast members ng “Black Rider”.
“Parte po ng trabaho talaga na magkakaroon ka ng mga bruises or scratches or even injuries.
“Kung ako nga po ay nakapag-guest nang napakaikli lang po, kahit papano may mga ganitong occupational hazards, paano pa ‘yung regular cast ‘di ba? It just comes to show na hindi po biro ‘yung trabaho.
“Seryoso po sila, passionaate sila sa trabaho nila. Pinaghuhusayan nilang lahat kaya intense kung intense. Doon makikita siyempre ‘yung pagka-action-packed ng show na Black Rider,” pagbabahagi pa ni Carla.
Tungkol naman kay Ruru, kahit sandali lamang silang nagkatrabaho ay nakita niya ang nakakabilid na work ethic nito.
“Napaka-professional. Magalang siya, he’s respectful. Of course, ‘ate’ ‘yung tawag niya sa akin. Maalalay siya.
“Kahit busy siya sa mga eksena niya, sa mga linya niya, ‘yung blocking niya, he makes sure na okay ka lang, kumportable ka,” sey pa niya about Ruru.
Iikot ang kuwento ng “Black Rider” sa isang ordinaryong delivery rider na magiging bagong bayani ng lansangan at mapapalaban sa isang malaking sindikato.
Makakasama rin sa serye sina Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Katrina Halili at marami pang iba. Magsisimula na ito sa November 6 sa GMA Telebabad.