Freddie Aguilar kinasuhan ng qualified seduction dahil sa pagpatol sa menor
INASUNTO ng qualified seduction ang singer na si Freddie Aguilar dahil sa kontrobersyal nitong pakikipag-relasyon sa isang menor de edad.
Una nang umani nang pagbatikos si Aguilar dahil sa pakikipag-relasyon sa 16-anyos na dalaga, na hindi rin naman itinanggi ng babae.
Isinampa ang kaso laban kay Aguilar ng isang Atty. Perito sa Quezon City Prosecutor’s office Huwebes.
Ang qualified seduction, ayon sa batas, ay nagaganap kung ang sexual relationship sa isang menor de edad ay nakuha sa panloloko.
Isa sa elemento ng kaso ay kung ang offended party ay may edad 12 hanggang 18.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.