Julie Anne, Rayver, Boobay inabutan ng lockdown sa Israel matapos ma-cancel ang concert, wish ng pamilya at fans: ‘Sana makauwi na sila’

Julie Anne, Rayver, Boobay inabutan ng lockdown sa Israel matapos ma-cancel ang concert, wish ng pamilya at fans: 'Sana nakauwi na sila'

Rayver Cruz at Julie Anne San Jose

SINIGURO ng mga organizer ng nakatakda sanang concert ng celebrity couple na sina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose sa Israel na maayos ang kanilang sitwasyon doon.

Nakansela ang “Luv Trip Na, Laff Trip Pa” October 7 concert ng JulieVer kasama ang komedyanteng si Boobay sa Smolarz Auditorium ng Tel Aviv University sa Israel dahil sa nagaganap na kaguluhan doon.

Ayon sa Instagram post ng Sparkle ng GMA hinggil sa naturang pangyayari, “SPECIAL ADVISORY: In view of the recent reports we are getting from Tel Aviv, the management of Sparkle would like to announce that Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, Boobay, and the Sparkle Team who are currently in Israel now for a concert are all safe.”

“The show for tonight was already cancelled and the whole GMA team will leave for Manila as scheduled. We thank everyone for their well wishes as we pray for their continued safety and protection,” sabi pa sa official statement.


Sa isang Facebook page naman ng isa sa namamahala ng show na si Maris Gonsalez, siniguro nila na safe ang buong team, partikular na sina Julie Anne, Rayver at Boobay.

“Shalom! Rayver, Julie, Boobay and the whole team are safe.

“Regarding the concert, dahil po sa kasalukuyang situation, kailangan po nating i-postpone ang concert. Ia-aanounce po namin ang panibagong date ng JulieVer Concert with Boobay in Tel Aviv.

“We will keep you updated. Keep safe everyone. Thank you,” ayon sa FB post ni Maris.

Baka Bet Mo: Iza Calzado game na game gumanap na ‘totoong buntis’, pero bawal muna ang matinding drama at iyakan

Sa pakikipag-chat namin sa manager ni Rayver na si Albert Chua, kinumpirma rin niya na safe ang Kapuso couple at ang lahat ng kasama sana nila sa nakanselang concert at naghihintay na lang sa pagbubukas ng airport sa Israel para makauwi na sila ng Pilipinas.

“So far, safe sila ngayon. Na-cancel na ‘yung show nila. They are still waiting for the airport to be open para makauwi sila.

“Sana, makauwi sila today. Waiting pa sila sa pagbukas ng airport, biglang nagsara kasi.

“Nag-viber si Ray (Rayver) ngayon lang. Naka-lockdown sila at nag-advice na stay inside at close pa rin ang airport pero safe naman daw sila. Sa ngayon, ‘di pa sila pinapalabas,” aniya sa una niyang mensahe.


Habang sinusulat namin ang balitang ito ay nakipag-chat uli kami kay Albert para sa update. Aniya, “Hi Ervin na-advice sila kahapon to stay inside the shelter tsaka po naka lockdown ang Israel.

“As of kanina nag-viber si Rayver na papunta na sila sa airport … sana matuloy na ang uwi nila. Tnx Ervin,” ang mensahe pa sa amin ni Albert. Sana nga’y makauwi na ng bansa ang Team JulieVer para hindi na madamay pa sa kaguluhan sa Israel.

Nag-declare na ng “State of War” ang Israel kahapon dahil sa sunod-sunod na rocket attacks mula sa umano’y mga militante ng Gaza Strip.

Matatandaang lumipad sina Rayver at Jullie Anne patungong Israel 3 days ahead of the concert para makapamasyal sa bansa.

Sa kani-kanilang Instagram post, makikita ang mga photos ng kanilang tour.

Julia Barretto sa chikang hiwalay na sila ni Gerald Anderson: I do feel safe in this relationship

Bea Gomez dedma pa rin sa isyu ng lovelife, excited nang lumaban sa 2021 Miss U: I’m ready to fight!

Read more...