Mister ni Charo Santos na si Cesar Concio, Jr. pumanaw na sa edad 91

Mister ni Charo Santos na si Cesar Concio, Jr. pumanaw na sa edad 91

PHOTO: Instagram/@abscbnpr

NAGLULUKSA ngayon ang actress-media executive na si Charo Santos-Concio.

Pumanaw na kasi ang kanyang mister na businessman na si Cesar Concio Jr. nitong Miyerkules, October 4.

Siya ay nasa edad 91 at ilang linggo na lang ay ipagdiriwang na sana ang ika-92nd birthday niya.

Ang malungkot na balita ay kinumpirma mismo ng ABS-CBN kung saan ibinandera nila sa social media ang kanilang pakikiramay kay Charo at sa kanyang pamilya.

“ABS-CBN sends its heartfelt condolences to Charo Santos-Concio and her family on the passing of Cesar Concio Jr. Our thoughts and prayers are with you and your family during this difficult time, Kapamilya,” saad sa isang Instagram post.

Baka Bet Mo: Charo Santos-Concio first time makaranas ng walang script sa tagal na sa pag-arte: Napakaibang experience po ito para sa akin

As of this writing, wala pang detalye kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng asawa ng aktres.

Noong March 2022, nakapanayam ng Philippine Daily Inquirer si Charo at dito siya nag-open up patungkol sa kanyang married life with Cesar.

Paglalarawan ng media executive, isa itong pangunahing desisyon sa kanyang buhay na maituturing niyang “worth it.” 

“When our engagement was announced, a lot of not-so-kind comments came out, but I’ve never looked back,” sambit ng aktres na may 24-year age gap with Cesar. 

Dagdag pa niya, “I became the person that I am because of my husband. I learned to appreciate myself and to be kinder to myself because he accepted me, warts and all.”

“I learned the meaning of unconditional love because of my husband,” patuloy niya.

Aniya pa, “Yes, I’ve lived a full life—an imperfect one, but a full life, nevertheless. I can say it’s such a blessing.”

Si Charo at Cesar ay may dalawang anak na sina Francis at Martin.

Related Chika:

Read more...