Hugot ni Keana Reeves sa mga nambubugbog ng dyowa: 'Hindi ako magpapaapi sa kahit sinong lalaki, lalaban ako!' | Bandera

Hugot ni Keana Reeves sa mga nambubugbog ng dyowa: ‘Hindi ako magpapaapi sa kahit sinong lalaki, lalaban ako!’

Ervin Santiago |October 08,2023
facebook
share this

Hugot ni Keana Reeves sa mga nambubugbog ng dyowa: ‘Hindi ako magpapaapi sa kahit sinong lalaki, lalaban ako!’

Ervin Santiago - October 08, 2023 - 07:05 AM

Hugot ni Keana Reeves sa mga nambubugbog ng dyowa: 'Hindi ako magpapaapi sa kahit sinong lalaki, lalaban ako!'

Keanna Reeves

NAGBABALIK-SHOWBIZ ang dating sexy star at “Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2006 ” Big Winner na si Keana Reeves.

Kasama siya sa Vivamax Original sexy drama na “BJJ: Woman on Top” na pinagbibidahan ni Angela Morena at Yuki Sakamoto.

Barong hirit ni Keana nang nakachikahan siya ng press sa ginanap na special screening at mediacon ng naturang pelikula, sad daw siya dahil hindi siya binigyan ng mga sex scenes.

“Akala ng ibang tao, maghuhubad din ako kasi nga Vivamax ang pelikulang ito. E, hindi naman ako binigyan ni Direk Linnet Zurbano ng bedscene.

“Comedy pa rin ang mga eksena ko with Angela Morena as my boss, na lagi kong binibiro tungkol sa lovelife niya with Yuki Sakamoto,” ang natatawang hirit ni Keana.

Siya ang gumaganap na kasambahay ni Angela sa kuwento ng “Woman On Top” na binubugbog ng kanyang asawa. At dahil isang Brazilian jujietsu expert sa pelikula si Angela, tinulungan niya itong makatakas sa kanyang abusive husband.

“Pero sa movie lang yun. Kasi in real life hindi ako magpapaapi sa kahit sinong lalaki. Lalaban ako!” ang hirit pa ni Keana.

Baka Bet Mo: Bianca Gonzalez binalikan ang pagiging PBB housemate, nagpasalamat kina Toni at Mariel

Naunang nakilala ng publiko si Keana o Janet Duterte sa tunay na buhay nang lantaran niyang inamin noong 2004 na isa siyang escort girl at ilan sa mga customer niya ay mga politicians.

Noong 2006, siya ang nagwagi sa celebrity edition ng “PBB” at nakagawa na rin ng ilang teleserye at pelikula kabilang na ang Kapamilya serye na “Maging Sino Ka Man” starring John Lloyd Cruz and Bea Alonzo, “Killer Bride” ni Maja Salvador at marami pang iba.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Keanna Duterte Reeves (@keanna_kr_reeves)


Kuwento pa ni Keana, 53 years old na siya ngayon, “Ilang years na lang, senior citizen na ako, so I want to have additional income other than showbiz.

“I ventured into business at nagkaroon ako ng motorcycle dealership kasi mabili ang motor ngayon.

“Noong birthday ko, I also launched my own line of anti-aging products, and doing online sales for additional income,” chika pa niya.

Natanong din si Keana kung ano ang masasabi niya sa ginagawang paghuhubad at pakikipag-love scene ng mga Vivamax stars sa kanilang mga pelikula, partikular na sa mga co-stars niya sa “BJJ: Woman on Top” na sina Angela Morena, Alexa Ocampo at Jela Cuenca?

“Bilib ako kasi ang tatapang nila. Nagpa-sexy rin ako but more on comedy. Wala namang streaming noong araw, so never ko nagawa yung mga ginagawa nila ngayon.

“Pero kung ipapagawa sa akin, ewan ko. Basta saludo ako sa pagka-daring nila,” aniya pa.

Sarah Reeves may bagong single tungkol sa ‘mental health’, first time nag-compose ng kanta

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dating sexy actress na si Angela Perez pumanaw na sa edad 55; mensahe ng naulilang anak: ‘Nanginginig ako sa kakaiyak…I love you so much Ma’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending