Kim natakot sa pakikipag-love scene kina Paulo at JM sa ‘Linlang’: ‘Hindi ko naisip na gagawin ko siya in my whole acting career’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Paulo Avelino, Kim Chiu at JM de Guzman
INATAKE ng matinding nerbiyos ang Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu nang kunan ang love scenes niya with Paulo Avelino and JM de Guzman para sa bago nilang serye, ang “Linlang.”
Aminado ang aktres na talagang ibang-ibang Kim Chiu ang mapapanood ng kanyang mga fans bilang lead star sa “Linlang” dahil for the first time ay gaganap siya bilang asawa ni Paulo na may kabit, to be played naman by JM.
Sa naganap na mediacon para sa “Linlang” na mapapanood sa Prime video streaming app, sinabi ni Kim na ito na ang pinaka-daring at pinakamatapang na proyektong nagawa niya mula nang mag-artista siya.
Mismong ang direktor ng serye na si FM Reyes na ang nagsabi na ikaka-shock ng nga viewers ang mga ipinakitang katapangan ni Kim sa pag-portray ng isang challenging role.
“Finally makikita natin yung versatility ng bata, kaya medyo kinakabahan siya,” ang pahayag ni Direk FM.
“Parang ito yung role na hindi ko naisip na gagawin ko siya in my whole acting career,” sabi naman ni Kim.
Napanood na namin ang first two episodes ng “Linlang” at talaga namang nagulat kami sa mga pinaggagawa ni Kim sa kuwento as Juliana Lualhati, kabilang na riyan ang pakikipag-love scene niya kay Paulo.
Pag-amin ng dalaga, talagang nagduda siya kung kakayanin ba niya ang mga nasabing eksena pero dahil na rin sa tulong ng kanyang co-actors and directors, nagawa naman niya ito nang bonggang-bongga.
“Second day pa lang ng taping namin ginawa namin yung eksana yun ni Paulo. Kinakabahan pa rin ako, pero parang sige A game siya so A game din ako. Kunyari seryoso nalang ako,” lahad ni Kim.
Dugtong pa niya, “Magpapasalamat din ako ako sa mga director namin dahil sobra nila akong inalagaan, tinanggal nila lahat ng mga kaba at takot. Dahil sa kanila talaga ako kumapit. Lalo na sa unang eksena.”
Samantala, para naman kay Paulo, “Kinakabahan din ako. Intimate scenes like those are really…lagi ako kinakabahan kapag may ganu’n. I’m not comfortable doing it.
“I’ll do it based on my character in the script. As a person, never ako naging komportable talaga sa mga eksenang ganu’n,” paliwanag pa ni Paulo.
Napapanood na ngayon ang first two episodes ng “Linlang” streaming platform na Prime.