SAPAT na ang suplay ng plastic cards para makapag-isyu na ng driver’s license.
Ito ang good news ng Land Transportation Office (LTO) sa isang press briefing noong October 5.
Ayon kay LTO Assistant na si Secretary Vigor Mendoza II, makakapagbigay na sila ng plastic cards para sa mga expired na ang driver’s license at sa mga naka-print lamang sa papel ang lisensya.
Kung maaalala, nagkulang ang suplay ng mga plastic cards kaya pansamantalang ipinahinto ang pagre-renew ng nasabing lisensya.
Baka Bet Mo: Mga besh, knows n’yo na ba ang mga paglabag at multa sa batas trapiko ng LTO?
“Mayroon na tayong sapat na plastic card, ‘yung driver’s license cards, para ma-issue po sa kanila,” sey ni Mendoza.
Ni-report din ng Transport secretary na aabot sa 700,000 hanggang 800,000 na mga plastic cards ang na-deliver na sa iba’t-ibang LTO offices nationwide.
Samantala, may inaasahan pang dalawang milyong cards na darating sa katapusan ng Oktubre.
“So kung binayaran na nila ‘to noong nakaraan pero paper license lang ang nakuha nila, all they have to do is go back to the district office or LTO office kung saan sila nagbayad at iprisinta nila ‘yung kanilang official receipt,” paliwanag ng ahensya.
Narito ang schedule kung kailan pwede mag-renew ang mga may expired na driver’s license:
– April 1 to 30, 2023, renew from October 6 to 31, 2023
– May 1 to 31, 2023, renew from November 1 to 30, 2023
– June 1 to 30, 2023, renew from December 1 to 31, 2023
– July 1 to 31, 2023, renew from January 1 to 31, 2024, 2023
– August 1 to 31, 2023, renew from February 1 to 29, 2024
– September 1 to 30, 2023, renew from March 1 to 31, 2024
“Ginawa nating staggered…Hindi natin sinabay-sabay for two reasons: Number one, ‘yung ating supply of plastic cards ay staggered naman,” sambit ni Mendoza.
Dagdag pa niya, “Pangalawa, ayaw natin bigla-bigla nalang lahat pupunta sa ating district offices.”
Magugunita noong Setyembre ay pinalawig ng LTO ang validity ng driver’s license na expired na noong nakaraang Abril.
Pero dahil mayroon na ngang plastic cards, nilinaw ng ahensya na makokonsidera nang “expired” ang mga nabanggit na lisensya kung hindi pa sila makakapag-renew sa mga itinakdang petsa.
Read more:
Aljur umaming nag-cheat kaya sila naghiwalay ni Kylie: ‘Totoo naman, may pagkakamali ako’