Thai boy group na TRINITY handa nang pakiligin ang Pinoy fans, kasado na ang ‘fan meeting’ event sa Oct. 15

Thai boy group na TRINITY handa nang pakiligin ang Pinoy fans, kasado na ang ‘fan meeting’ event sa Oct. 15

PHOTO: Facebook/Trinity_TNT

GET ready nang kiligin mga ka-BANDERA!

Bukod kasi sa Korean idols, nakatakda ring bumisita sa ating bansa ang Thai boy group na TRINITY ngayong buwan.

Magkakaroon sila ng fan meeting event na pinamagatang “2023 Trinity Breath of Desire: Fan Meeting in Manila” na mangyayari sa SM Skydome sa Quezon City sa darating na October 15, 7 p.m.

Magugunitang nagsimula ang nasabing event sa Thailand noong September 17.

Available na ang tickets sa smticket.com at pwede ring bumili through CNCA’s hotline na +63 977 286 0489.

Baka Bet Mo: Liza ‘dream come true’ ang pakikipag-bonding sa K-pop idols: The whole time it didn’t feel real to me!

Ang TRINITY ay binubuo ng tatlong miyembro na sina Third, Porsche at Jackie na nag-debut noong 2019.

Recently lamang ay nilabas nila ang kauna-unahan nilang full album na may walong tracks.

Ilan sa mga hit songs nila ay ang “Haters Got Nothing,” “Hidden Track,” “Life Ain’t Over” at “Champagne Poppin.”

Noong Hunyo lamang, ang grupo ay nagkaroon ng kauna-unahang overseas performance sa 2023 Seen Festival na naganap sa Hoi An sa Vietnam.

Related Chika:

Read more...