ABS-CBN tinanggap na ang desisyon ng MTRCB sa 12-day suspension, hindi na aapela sa Office of the President

ABS-CBN tinanggap na ang desisyon ng MTRCB sa 12-day suspension, hindi na aapela sa Office of the President

NAGDESISYON ang ABS-CBN na hindi na nito iaapela sa Office of the President ang ipinataw na 12-day suspension ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa “It’s Showtime“.

Base sa inilabas na pahayag ng Kapamilya network nitong Biyernes ng gabi, October 6, inihayag nito na iginagalang nila ang desisyon ng MTRCB at hindi na ito iaakyat sa Office of the President.

“After careful consideration, ABS-CBN has decided not to appeal to the Office of the President the decision of the MTRCB on ‘It’s Showtime’ and instead serve the 12-day suspension starting Oct. 14,” saad sa inilabas nilang official statement.

Sa kabila ng pagtanggap ng desisyon ng ahensyang suspendihin ang Kapamilya noontime program, nanindigan ang Kapamilya network na walang naging paglabag ang “It’s Showtime” na anumang batas.

Lubos naman ang pasasalamat ng ABS-CBN sa patuloy na pagsuporta at pagmamahal ng madlang pipol sa “It’s Showtime”.

“Our heartfelt thanks to our viewers for their unwavering love and support for ‘It’s Showtime,’ which will return on Oct. 28 stronger and better than ever.

“Maraming salamat, Madlang People!”

Baka Bet Mo: ‘It’s Showtime’ papalitan ng ‘It’s Your Lucky Day’ na pangungunahan ni Luis Manzano, eere simula October 14 hanggang October 27

Matapos ang paglalabas ng pahayag ng ABS-CBN ay nag-post naman ng asul at dilaw na puso ang “It’s Showtime” sa kanilang official social media accounts.

Magsisimula sa Sabado, October 14 ang 12-day suspension ng Kapamilya noontime program at sa kasamaang palad ay tatamaan ang petsa ng dapat sana’y selebrasyon ng kanilang 14th anniversary.

Matatandaang September 4 nang patawan ng MTRCB ng 12-day suspension ang “It’s Showtime”.

Inapela naman ng ABS-CBN sa MTRCB ang naturang desisyon ngunit nitong September 28 ay ibinasura ng naturang ahensya ang inihain na motion for reconsideration ng Kapamilya noontime show.

Related Chika:
Sey ni Kim Chiu matapos ibasura ng MTRCB ang apela ng ‘It’s Showtime’: We’re just very grateful na ang daming sumusuporta…

Lala Sotto hindi bumoto sa 12-day suspension ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’; hirit ni Vice sa madlang pipol: ‘We are in this together!’

Read more...