Julia Montes hindi nape-pressure kay Kathryn Bernardo: Kami ang original love team

Julia Montes hindi nape-pressure kay Kathryn Bernardo: Kami ang original love team

WALANG nararamdamang kompetisyon ang Kapamilya actress na si Julia Montes sa kaibigan na si Kathryn Bernardo.

Sa kanyang nagin panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay nabanggit nga ang matagal nilang pamamahinga ni Alden Richards sa paggawa ng pelikula bago nila tinanggap ang “Five Break Ups and a Romance”.

Tanong ni Boy kay Julia, “Is that a pressure that the highest-grossing film in the Philippine cinema stars Alden Richards and Kathryn Bernardo?”

Mabilis naman itong sinagot ng Kapamilya actress.

“Siguro po pressure siya in the sense og dahil ang paningin ng tao, after nila Kathryn, kami po. But ako kasi, mas proud po ako e. Doon ako tumitingin kasi si Kathryn ‘yun,” saad ni Julia.

Aniya, para raw siyang older sister ng aktres dahil sa tuwing may mga nakakamit itong bagong achievement ay isa siya sa mga taong masaya para sa kaibigan.

Baka Bet Mo: Julia Montes sa tanong kung engaged o kasal na sila ni Coco Martin: Let’s cross the bridge when we get there

 

“So parang imbes na tignan ko siya na parang nape-pressuee lang, I’m proud na si Kathryn ‘yung nandoon. And kung ibe-bless kami with this film, bakit hindi? We’re happy,” sey pa ni Julia.

Naikuwento rin niya kung gaano siya sinusuportahan ni Kathryn.

“After her film right now, kami ‘yung susunod. Parang natataon nga po na lagi kami ‘yung nadidikit pero happy kami kasi ang lagi naming biro sa isa’t isa, ‘Tayo ang original love team. Nami-miss na natin ang isa’t isa. Kailan tayo gagawa [ng pelikula],” masayang kuwento ni Julia.

Dagdag pa niya, espesyal ang kanilang pagkakaibigan ng dyowa ni Daniel at pupunta rin ito sa premiere night ng kanyang pelikula bilang pagbibigay suporta.

Chika pa niya, “Bago pa nabuo ang mga love team love team, kami na ang original love team at ‘yun ang love team na hindi matitibag sa aming dalawa.”

Bata pa lang ay magkasama na sina Julia at Kathryn sa industriya. Sa katunayan, halos sabay na silang lumaki sa showbiz.

Related Chika:
Dimples ipinagsigawan sa buong universe kung gaano ka-proud kina Kathryn at Julia: ‘My Mara & Clara slaying life…’

Miles Ocampo sa kasikatan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes: Hindi ko po ide-deny na sinabi kong ‘sana ako rin ganu’n’

Read more...