Youngstar na hindi masyadong pretty at hindi kagalingang umarte sandamakmak ang projects, bakit nga kaya?

Youngstar na hindi masyadong pretty at hindi kagalingang umarte sandamakmak ang projects, bakit nga kaya?

Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?

NAGUGULAT ang award-winning actress sa not so pretty youngstar na hindi rin daw kagalingang umarte dahil hindi ito nawawalan ng projects.

Ang saktong sabi sa amin, “Uy, tsika mo ba ‘yang si _____ (youngstar), nagtataka ako bakit ang daming projects hindi naman magaling umarte, ilang beses nati-take 3 o 4?”

Wala kaming maisagot sa kausap naming award-winning actress dahil hindi naman kami close sa youngstar na hindi kagandahan pero ilang beses na namin siyang nakakausap.

Gusto naming isiping mabait si youngstar at okay naman sumagot sa mga tanong sa kanya ng press na mukhang love naman siya kaya siguro isa ito sa tinitingnan din ng management para bigyan siya ng projects dahil maraming tutulong sa kanya.

Nagtanong kami sa tsika naming executive kung bakit laging may project si youngstar at ang sagot sa amin, “Mabait at masunurin. Kaya gusto siya ng mga direktor kasi walang angal.”

Baka Bet Mo: Ate Guy natakot nang talakan ni Gina Alajar ang kaeksenang youngstar: ‘Late ka na nga, hindi mo pa makuha ang eksena mo!’

Sa mga sinabing ito ng executive ay naalala namin dati ang isa ring aktres na hindi kagandahan o hindi talaga maganda at all ay sandamakmak din ang proyekto dahil sobrang dami naman nitong fans na sumusuporta sa kanya kapag may mall shows sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas kaya blockbuster lagi ang mga pelikula niya.

Ang pagkakapareho pa ni youngstar sa aktres na hindi maganda at all ay pareho silang kinulang sa height at ang mga naging dyowa nila ay pareho silang hanggang dibdib lang.

Going back sa youngstar ay masipag din daw at kaya niyang pagsabayin ang TV series at pelikula kaya gusto talaga siya ng mga katrabaho niya kasi walang angal.

By the way, may project si award-winning actress at ang youngstar na tinanggihan na niya pero nakiusap daw ang direktor na kaibigan niya kaya umokey na rin siya kaya dapat pagbutihin ng huli dahil baka lamunin siya ng una.

Aktor na ‘di kagalingang umarte isinusumpa ng kilalang aktres, mayabang raw at walang respeto?

Kilalang female celeb ang tagal-tagal na sa showbiz pero hindi pa rin marunong umarte

Read more...