Korean black comedy movie na ‘Cobweb’ pasabog ang nakakalokang kuwento; Pinoy fans laugh nang laugh sa sinehan
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Photo from TBA Studios
NAKAKALOKA pala talaga ang Korean black comedy movie na “Cobweb” na showing na ngayon sa mga sinehan sa Pilipinas nationwide.
Ito’y pinagbibidahan nina Song Kang-ho, Im Soo-jung, Oh Jung-se, Jeon Yeo-been, at Krystal Jung na idinirek ng sikat na Korean filmmaker na si Kim Jee-woon.
Napanood na namin ang “Cobweb” sa naganap na special screening nito sa SM Megamall Cinema 11 kamakailan at in fairness, hindi kami nagsisi at nanghinayang sa oras na inilaan namin sa movie.
Matapos naming panoorin ang pelikula na nangyari ang kuwento noong dekada 70, hindi na kami nagtaka kung bakit ito inimbita sa 76th Cannes International Film Festival.
Dito, muling pinatunayan ni Song Kang-ho (bumida sa award-winning Korean movie na Parasite) ang kanyang versatility as an actor kung saan gumaganap siya bilang director na si Kim Yeol.
Iikot ang kuwento sa pagiging obsessed ni Direk Kim Yeol na baguhin ang ending na ginagawa niyang pelikula na may titulong “Cobweb”.
At dahil nga rito, nagsunud-sunod na ang mga nakakaloka at nakakawindang na twists and turns sa buhay ng bawat karakter sa kuwento.
In fairness, ibang-iba ito sa lahat ng mga napanood naming pelikula at teleserye na gawang Korea kaya isang kakaibang experience na mapanood ito sa big screen.
Sa naganap na global press conference para sa “Cobweb”, ang sabi ng direktor nito, “And so I wanted this to be a film that allows you to really rekindle the love that you have for cinema.
“Think about it once again, reassure yourself. And I think I wanted it to be sort of an encouragement to not just me, but to everyone who’s involved in cinema all over the world to really rekindle that romance as well as encourage yourself to move even further,” aniya pa.
“And so this, I would say, is a very delightful tale with a touch of black comedy that tells the story of this one man who breaks through that turmoil and conflict at a very destitute state,” dugtong pa ni Direk Kim Yeol.
Ang “Cobweb” ay ipinrodyus ng Anthology Studios at ipinamahagi sa buong mundo ng Barunson E&A, ang parehong studio na gumawa ng “Parasite.”
Ito ay eksklusibong dinala sa Pilipinas ng TBA Studios na siya ring nagdala sa bansa ng mga award-winning na pelikula tulad ng “Everything Everywhere All At Once” at ang box-office romantic drama na “Past Lives”.
Showing na ngayon ang “Cobweb” sa mga sinehan kaya watch na! Para sa mga update sa pelikula, sundan ang @TBAStudiosPH sa Facebook, Instagram, at Twitter.