SA WAKAS, natikman na rin ng Kapamilya actress-TV host na si Kim Chiu ang makasaysayang sampal ng Diamond Star na si Maricel Soriano.
Matagal nang pinapangarap ni Kim na makatrabaho si Marya at dream come true nga para sa kanya ang magkaroon sila ng sampalan scene sa upcoming drama series ng ABS-CBN na “Linlang.”
Sa naganap na special screening at mediacon kahapon para sa “Linlang”, nabanggit ni Kim na talagang na-shock siya nang bonggang-bongga nang sampalin ni Maricel sa isa nilang eksena.
“Sobra po akong natigalgal!” ang natatawang chika ni Kim kasabay ng pagsasabing finally at natupad na ang pangarap niyang masampal ng nag-iisang Diamond Star.
“Siyempe, pangarap ng isang artista na masampal (ni Marya). Bucket list namin ‘yun. Bucket list checked. Ang lala!
“Kaya abangan n’yo po, isa po ‘yung sa eksenang dapat panoorin kasi talagang baseball. Charot lang!” ang super laugh pang sey ni Kim.
Aminado rin ang Kapamilya actress na inatake siya ng matinding kaba nu’ng mga unang araw ng shooting nila para sa “Linlang”, lalo na sa madadramang eksena nila ni Maricel.
Baka Bet Mo: Maricel Soriano nag-sorry matapos sampalin si Kim Chiu: Sabi ko, ‘hindi po, pangarap ko po ‘to bilang artista’
“Habang ginagawa ko ‘yung eksena, kinakabahan ako. Habang pinanood ko ‘yung eksena na ‘yun, mas kinabahan ako para sa role ni Juliana (ang character niya sa serye).
“So, ang galing lang na makatrabaho ang isang Maricel Soriano na ang tagal-tagal na sa industriya pero sobrang down to earth and very accommodating to help ‘yung mga artistang tulad namin,” aniya pa.
Kuwento pa ng girlfriend ni Xian Lim, bago kunan ang sampalan scene ay binigyan pa siya ng spray ni Maricel na pwedeng gamitin sa pamamaga ng mukha.
At nang matapos na nga nilang gawin ang nakakalokang eksena ay biglang na-realize ni Kim kung bakit siya niregaluhan nito. Pero nilinaw niya agad na hindi naman namaga ang face niya pero masakit daw talaga.
Sabi naman ni Maricel, hindi niya pwedeng dayain ang eksena nila ni Kim dahil nga nag-uumapaw ang galit ng kanyang karakter sa role ni Kim as Juliana matapos nitong tuhugin ang mga anak niya sa “Linlang” na ginagampanan nina Paulo Avelino at JM de Guzman.
Kuwento pa ni Kim na gaganap nga bilang manlolokong asawa ni Paulo sa serye, bukod sa naturang sampalan scene ay maraming-marami pang pasabog na eksenang aabangan sa “Linlang”.
Mapapanood na ang “Linlang” worldwide sa Prime streaming app simula sa October 5. Ka-join din dito sina Jake Ejercito, Ruby Ruiz at marami pang iba mula sa direksyon ni FM Reyes and Jojo Saguin.
Related Chika:
Ate Lakam sa kanyang kapatid na si Kim Chiu: ‘I’m able to open my eyes because of you…You never left my side’
True ba, Kim Chiu bibida sa Pinoy version ng K-drama na ‘What’s Wrong With Secretary Kim’?