NAGING espesyal ang pagdalo ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa naganap na Pinoy Playlist Music Festival ngayong taon.
Paano ba naman kasi, isa siya sa mga nabigyan ng special recognition sa nasabing event kasama ang violinist na si Alfonso “Coke” Bolipata at musical director na si Mel Villena.
Sa Instagram post ng batikang singer, proud niyang ibinandera ang kanyang picture habang hawak-hawak ang nakuhang parangal.
Kwento pa niya, talagang nasorpresa siya rito dahil ang buong akala niya ay mag-aattend lang siya dahil isa rin siya sa mga nominado.
“Oh my goodness, akala ko mag-a-attend lang ako ng awards ceremony, tapos I’m nominated. I didn’t know it was a tribute and I was being honored,” sey ni Regine habang inaamin na naiiyak siya habang ipino-post ito.
Baka Bet Mo: Regine Velasquez pagod na sa mga taong ‘nagpapanggap’, Ogie Alcasid may hugot sa ‘taong galit’
Dagdag pa niya, “Parang hindi ako makapaniwalang binigyan ako ng parangal ng mga taong hinahangaan ko sa industriyang ito.”
“Napakalaki ng naitulong ng industriyang ito sa buhay ko at ng pamilya ko,” chika ng dating Kapuso star.
Aniya pa, “Sa lahat ng mga taong naging bahagi ng aking lakbay at patuloy na paglalakbay sa mundo na kinabibilangan ko, maraming salamat po. To GOD be the glory.”
All out support ang natanggap ni Regine sa kanyang pamilya kung saan present din sa event ang kanyang mister na si Ogie Alcasid at ang kanilang 11-year-old na ana na si Nate.
Sa Instagram account ni Ogie, masaya niyang ibinahagi ang special moment ng misis at kalakip pa niyan ang kanyang mensahe na inilalarawan niya si Regine bilang “national treasure.”
“The 2023 Ryan Cayabyab Awardee for the PPMF playlist!! @reginevalcasid Congratulations, Mahal,” caption niya sa post.
Mensahe pa niya, “You have inspired generations upon generations of singers with your passion for your wonderful gift. You truly are a national treasure.”
Sa hiwalay na post ni Ogie, ipinasilip naman niya ang isang compilation video kung saan binigyan ng tribute ang kanyang asawa.
Mapapanood na nagkaroon pa ng ilang performances mula sa singers na sina Jed Madela, Katrina Velarde, Phi Palmos, at Jona na inawit ang sariling rendition ng “Kailangan Ko’y Ikaw.”
Makikita rin sa video tila naiiyak si Regine sa mga inihandog ng music fest para sa kanya.
“A wonderful tribute to one and only Asia’s Songbird @reginevalcasid [emojis],” bahagi ng caption ni Ogie.
Ilan lamang sa kapwa-artista na bumati at nagpaabot ng “congratulatory” message sa Asia’s Songbird ay sina Vina Morales, Dra. Vicki Belo, Kyla Alvarez, Jerald Napoles, Melai Cantiveros, Pops Fernandez, at marami pang iba.
Related Chika: