Kris Aquino umaasang makakauwi na sa Pinas after 2 years ng pagpapagamot; ipinagdiinan na walang dyowa ngayon

MAS “peaceful” ngayon ang buhay ng Queen of All Media na si Kris Aquino matapos ang paghihiwalay nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.

Muling nilinaw ng TV host-actress sa buong universe na wala nang namamagitan sa kanila ng politiko at single na single na uli siya ngayon.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Kris ng bagong litrato kung saan makikita ang pagkuha sa kanya ng blood samples para sa susunod niyang mga medical checkups.

Kalakip nito ang ilang detalye tungkol sa current status ng kanyang health condition. Nabanggit din niya sa caption ang tungkol sa personal na aspeto ng kanyang buhay.

“THANK YOU for your continued PRAYERS, i don’t have my complete blood panel results yet BUT GUMANDA my inflammatory numbers in particular my C-reactive protein and my E-sedimentation rate.

Baka Bet Mo: Kris ibinuking ang mga dahilan kung bakit naghiwalay sila ni Mark: ‘Nararamdaman kong hindi siya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon’

“Hopefully in the next few days i’ll have my IgE, IgG, IgM and ANA results. (As usual, please google?) Wag na natin discuss my CBC, as always i’m still very anemic (it’s been a problem even before my autoimmune conditions were diagnosed),” ang simulang bahagi ng mensahe ni Kris sa kanyang fans at social media followers.

Pagpapatuloy niya, “I don’t know what good i did but i know i’m surviving all the side effects of methotrexate and my biological injectable because God is listening to all your prayers for my healing. #faith.”

Umaasa din ang nanay nina Joshua at Bimby Aquino-Yap na sa loob ng dalawang taon ay makakauwi na siya sa Pilipinas makalipas ang mahabang panahon pagpapagamot sa Amerika.

“Praying more that in 18 to 20 months i’ll reach remission and after 6 months i’ll have my doctors’ clearances and we can go home. i miss my sisters, my cousins, my (Philippine flag) doctors, my close friends, and of course all of you… It’s already been 16 months.

“We’re already settled in our rental home – location wise, this is my long wished for vibe – we have a pool in the back with an unobstructed view of the blue sea and with this super fresh, cool sea breeze… plus we’re only 10 minutes away from 1 of my doctors,” pagbabahagi pa ni Kris.

Kasunod nga nito ay ang kanyang paglilinaw na wala siyang karelasyon ngayon matapos ang ginawa niyang announcement hinggil sa breakup nila ni Mark Leviste.

Hindi na rin daw siya magdedetalye about it dahil mas pinahahalagahan na niya ngayon ang kanyang privacy.

“P.S. my sisters urged me to make my current status very CLEAR. I AM NOT IN A RELATIONSHIP, we no longer communicate, and my sons and i feel more PEACEFUL.

“No details because i value my privacy and respect his, and i chose to only give the FACTS that should be addressed.

“Again, THANK YOU for your compassion to keep me & my family in your thoughts and prayers,” ang kabuuan ng caption ni Kris sa kanyang IG post.

Related Chika:

Maxene hugot na hugot sa Women’s Month celebration: ‘She is a peaceful warrior, a fighter who never gives up’

Read more...