Geraldine Roman ikinumpara kay Heart Evangelista: ‘Grabe, I’m touched! Kulang na lang talaga sa buhay ko ay keso’
By: Ervin Santiago
- 1 year ago
Heart Evangelista at Geraldine Roman
HINDI napigilan ni Bataan 1st district Rep. Geraldine Roman na mag-react nang ikumpara siya kay Kapuso actress at fashion icon na si Heart Evangelista.
May isang netizen kasi ang nagkomento sa social media na malaki raw ang pagkakahawig ng kongresista at ng socmed influencer at wifey ni Sen. Chiz Escudero.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, ipinost ni Cong. Geraldine ang screenshot ng nabasa niyang comment ng netizen at ang pinagtabing litrato nila ng Kapuso star.
“Kamukha ni transgender congressman woman si Geraldine Roman si Heart Evangelista,” ang mababasang comment ng isang netizen sa naturang screenshot.
Sa nasabing FB post, nagbigay ng reaksyon ang mambabatas, “Mag-ate daw kami ni Heart?!
“Grabe! I’m touched by the kind comparisons to Heart Evangelista. Being mentioned alongside a fashion icon is an honor,” ang bahagi ng caption ng kongresista.
“Kulang na lang talaga ang keso sa buhay ko!” ang dagdag pa niyang reaksyon.
Ang tinutukoy ni Cong. Geraldine ay ang palayaw ni Sen. Chiz na katunog nga ng keso.
Sa mga hindi pa masyadong aware, si Geraldine Roman ang unang transgender woman na nahalal sa kongreso at chairman ngayon ng House Committee on Women and Gender Equality sa 19th Congress.