BUKOD sa mga inaabangang pagrampa ng mga iniidolo nating mga Kapamilya Stars sa naganap na ABS-CBN Ball 2023, siyempre hindi mawawala kung sino-sino ang tunay na nagningning sa gabing iyon.
Para sa taong ito, nagkaroon ng online voting ang fans via YouTube at KTX.
Big winner sa anggrandeng event ang love team couple na sina Belle Mariano at Donny Pangilinan na itinanghal na “Stars of The Night” at “Power Couple of the Ball.”
Narito ang listahan ng mga nagwagi sa People’s Choice Awards ng event:
Stars of the Night
Donny Pangilinan, Belle Mariano
Power Couple of the Ball
Donny Pangilinan, Belle Mariano
Star Magic Fan Favorite
Anji Salvacion, Eian Rances
Best Dressed
Joshua Garcia, Kathryn Bernardo
Naganap ang ABS-CBN Ball 2023 noong September 30 sa Makati Shangri-La hotel.
Ang nasabing event ay para ipagdiwang ang achievements ng Kapamilya stars sa entertainment industry.
Ito ang first comeback ng ABS-CBN Ball mula pa noong 2018 at kasunod ng mga naging hadlang na dala ng pandemya at nang tanggihan ang network ng broadcast franchise noong 2020.
Related Chika:
TINGNAN: Kapamilya Stars na nagpatalbugan sa red carpet ng ABS-CBN Ball 2023
Ruffa pasabog ang OOTD sa ABS-CBN Ball 2023: ‘Just wait and see!’