Ria sa pang-iintriga sa mga biyahe ni Arjo abroad: 'That’s like nakakaasar minsan pero kailangan tanggapin na yun ang ginagalawan naming mundo' | Bandera

Ria sa pang-iintriga sa mga biyahe ni Arjo abroad: ‘That’s like nakakaasar minsan pero kailangan tanggapin na yun ang ginagalawan naming mundo’

Ervin Santiago |October 01,2023
facebook
share this

Ria sa pang-iintriga sa mga biyahe ni Arjo abroad: ‘That’s like nakakaasar minsan pero kailangan tanggapin na yun ang ginagalawan naming mundo’

Ervin Santiago - October 01, 2023 - 07:17 AM

Ria sa pang-iintriga sa mga biyahe ni Arjo abroad: 'That’s like nakakaasar minsan pero kailangan tanggapin na yun ang ginagalawan naming mundo'

Ria Atayde, Arjo Atayde at Maine Mendoza

OKAY na okay ngayon ang relasyon at samahan ng mga Atayde at ng bagong miyembro ng kanilang family, ang Phenomenal Star na si Maine Mendoza.

Mahal na mahal ng parents at mga kapatid ni Congressman Arjo Atayde ang kanyang wifey, kaya naman so far, so good ang kanilang relationship.

Sa naganap na presscon ng pelikulang “Fruitcake” last September 23, sa Kao Manila, World Resorts, Newport Mall, Pasay City, nakachikahan ng BANDERA at ng ilan pang miyembro ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd), si Ria Atayde.

Dito nga kinumusta sa kanya ang  kanilang pamilya ngayong asawa na ni Arjo si Maine. “Okay naman po, We love Maine! Happy. We’re all doing okay, we’re all happy, and it’s nice,” ang matipid na sagot ng sisteraka ni Arjo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ria Atayde (@ria)


Matatandaang sinamahan ni Maine si Arjo sa ginanap na premiere ng pelikula nitong “Topakk” sa Frightfest sa Austin, Texas, USA kamakailan.

Kaya ang sumunod na tanong kay Ria ay kung napipikon o nabubuwisit ba siya kapag nakakabasa o nakakarinig siya ng mga tsismis at intriga sa pagbibiyahe ni Arjo sa ibang bansa.

“I feel like it comes with the territory naman po kasi. That’s something you should expect, you know. As celebrities, medyo… or as artistas, medyo public na po yung life namin, and even more as a public servant, di ba?

“So, it comes with the territory. Of course, of course, that’s like nakakaasar din minsan pero kailangan lang talagang tanggapin na yun yung ginagalawan naming mundo,” paliwanag ng girlfriend ni Zanjoe Marudo.

At sa question kung gusto na ba niyang magkaroon ng pamangkin kina Arjo at Maine at kung ilan, “Ay, hindi po! Ako po, kung ano po ang gusto nila, go lang. Not for me to dictate or to demand or to meddle in the affairs that I shouldn’t even be talking about.”

Baka Bet Mo: Sylvia ayaw pakialaman ang diskarte nina Arjo at Maine sa pagpapakasal; Zanjoe ‘nagpaparamdam’ kay Ria

Ang nanay nilang si Sylvia Sanchez ang very open sa pagsasabing gustung-gusto na niyang maging lola, in fact, matagal na siyang nagsimulang bumili ng mga gamit ng baby.

“My God! Kahit wala kaming mga dyowa, gusto na niya ng apo!” nanatawang chika ni Ria.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Maine Mendoza (@mainedcm)


Anyway, hindi pa raw sila nabibigyan ng chance ni Maine na makapag-bonding nang bonggang-bongga, “We haven’t had the chance. Our schedules really don’t match.

“Ang hirap ng adulting. Ngayon ko mas nare-realize that adulting is so hard. Like, you need to schedule hang-outs. Like, ‘Are you free on Monday?’ ‘No.’ ‘How about next month?’ You know what I mean. Medyo ganu’n.

“So, at most we talk a lot on socials or messaging. But yung bonding talaga in person, at most siguro on Sundays. Kasi we try to do family day pa rin,” sabi pa ng Kapamilya actress.

Samantala, umaasa si Ria at ang buong production ng “Fruitcake” na mapapasama sila sa 2023 Metro Manila Film Festival na magaganap sa December.

Ilan sa mga co-stars ni Ria sa pelikulang “Fruitcake” ay sina Joshua Garcia, Empoy Marquez, Enchong Dee, Dominic Ochoa, Heaven Peralejo, Jane Oineza, KD Estrada, Queenay, Alex Diaz, Markus Paterson, Noel Comia Jr., Victor Anastacio, Kat Galang, Macoydubs, Red Ollero, Pocholo Barretto, Kaila Estrada, Donna Cariaga at Karina Bautista.

Sylvia puring-puri sina Ria, Elijah at Iana: Hindi ko ito sasabihin kung hindi ito kasi ako ang mapapahiya

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sylvia Sanchez pinaiyak si Ria Atayde sa presscon ng ‘Misis Piggy’: Never akong humingi ng favor para sa mga anak ko

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending