Payo ni Nina sa mga baguhang artist: ‘Alagaan ang talent, huwag lalaki ang ulo’

Payo ni Nina sa mga baguhang artist: 'Alagaan ang talent, huwag lumaki ang ulo'

Nina

NEVER, as in never magyabang, mang-apak ng kapwa at huwag lalaki ang ulo — yan ang ilan sa mga advice ng Soul Siren na si Nina sa mga baguhang artists sa entertainment industry.

Muling nakachikahan ng press people ang award-winning OPM artist na si Nina kamakailan para sa comeback concert niyang “Only Nina” na magaganap sa Samsung Hall, SM Aura sa Taguig City sa darating na November 8.

Sa isang bahagi ng mediacon ay natanong nga si Nina kung ano ang maibibigay niyang payo at tips sa lahat ng mga baguhang singers ngayon na nangangarap ding tumagal sa music industry tulad niya.

In fairness, talaga namang icon na ring matatawag si Nina sa larangan ng musika dahil bukod sa kanyang mga ginawang soldout concerts, isa rin siyang Diamond Record awardee authenticated by Warner Music.

Ang payo ni Nina sa mga baguhang Pinoy singers, “Alagaan ang talent. Huwag lumaki ang ulo. Do the music because you wanna do the music. Don’t do it because you wanna get back at the person. Gawin mo ang music para i-share.”

Ayon pa kay Nina, hindi rin naging madali sa kanya ang pag-abot sa kanyang mga pangarap at umabot ng dalawang dekada sa industriya ng musika.

“Akala nila instant success ako. Before that (sumikat nang bonggang-bongga), nag-banda ako, sumasali ako sa contests. Bata pa lang ako, tinuruan na ako ng Daddy ko na kumanta.

“That time parang ayaw ko pa. Pero ngayon, thankful ako sa Daddy ko dahil pinilit niya akong kumanta siguro he knows na I have a talent,” pag-alala ni Nina.


Samantala, nangako ang OPM icon na sulit na sulit ang ibabayad ng mga manonood sa kanyang concert kung saan isasabay na rin niya ang kanyang birthday celebrations.

“Mayroong pagka-nostalgic (ang concert) and of course we would not want to leave out naman the younger ones. Pero nakakagulat din na the younger ones ay alam ‘yung songs ko like ‘Someday.’

Baka Bet Mo: Sharon Cuneta naloka sa mga humihingi ng complimentary tickets sa concert nila ni Gabby: Pasensiya po at nagta-trabaho lang ang girl n’yo!

“This is going to be the first one na magkaka-work kami together ni John Prats. Kapag mayroong ideas si direk, iko-consider. And ganu’n din kapag mayroon akong ideas,” aniya pa.

Ito naman ang wish ni Nina para sa kanyang 42nd birthday da November 1, “If I need time to rest, I do it. I still give a 110% to any show kahit sa bar ‘yan, kahit three songs lang ‘yan.

“I also give time for myself in order for me to share my music with everyone kasi if I don’t rest, ano na lang ang ipapakita ko sa kanila.

“Birthday wish ko lang talaga is everybody to have a better life. Kasi ako, I already love my life. Maging okay lang ang lahat, ‘yun talaga,” aniya pa.

When asked kung ano ang kino-consider niyang biggest achievement as an artist, “Siyempre yung natanggap kong Diamond Record award (2009) authenticated by Warner Music.

“Lalo na during our time, mahirap makakuha nu’n eh kasi physical album eh. They have to buy the album talaga to be able for an artist to get that award,” sey pa niya.

Aminado rin si Nina na inaatake pa rin siya ng nerbiyos kapag sumasampa sa stage para mag-perform, “Kinakabahan pa rin ako. Kasi I feel like kung hindi na ako kinakabahan, feeling ko, wala na akong paki sa show.

“Every show talagang kinakabahan ako. It just means na mayroon akong care sa show,” sabi pa niya.

Ang “Only Nina” ay mula sa produksyon ng Vera Group Inc. at District One. Si Bobby Velasco ang magiging musical director ng show habang si John Prats nga ang magsisilbing concert director.

Available na ang tickets para sa “Only Nina” concert sa lahat ng SM Ticket outlets and online via smtickets.com.

Showbiz couple bigla na lang naghiwalay; may malalim na dahilan ayon sa aktor

Baguhang male star na-trauma sa pambu-bully ng kilalang aktor matapos sabihan ng, ‘Wag mong i-associate ang sarili mo sa mga sikat!’

Read more...