‘Twice’ member na si Chaeyoung absent sa concert sa Bulacan, bakit kaya?

‘Twice’ member na si Chaeyoung absent sa concert sa Bulacan, bakit kaya?

PHOTO: Instagram/@chaeyo.0

ISA sa mga inaabangang concert ay ang “Ready to Be” shows ng K-Pop girl group na Twice.

Mangyayari ‘yan ngayong araw, September 30 hanggang bukas, October 1 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Ngunit sa kasamaang palad ay hindi makukumpleto ang grupo sa pagtatanghal dito sa Pilipinas.

Inanunsyo ng kanilang talent agency na JYP Entertainment na hindi makakasama ang isang miyembro na si Chaeyoung dahil sa health issues.

Baka Bet Mo: Barbie Forteza ready nang magpakasal kay Jak Roberto sa isang kundisyon…

“We regret to inform you that Chaeyoung is unable to participate in the upcoming TWICE 5TH WORLD TOUR ‘READY TO BE’ Bulacan concert due to health issues,” saad sa inilabas na statement noong September 29.

Dagdag pa, “We convey this unfortunate news with a heavy heart as we know everyone was eagerly anticipating the show.” 

Nanawagan pa ang talent agency na sana maintindihan ito ng fans dahil prayoridad pa rin nila ang kalusugan ng kanilang artists.

“We kindly request your understanding as this decision was made after much consideration to protect the health of the artist,” anila.

Samantala, nakarating na sa ating bansa nitong Biyernes ng umaga (Sept. 29) ang walong natitirang miyembro ng Twice na sina Nayeon, Jeongyeon, Momo, Sana, Jihyo, Mina, Dahyun at Tzuyu.

Taong 2015 nang opisyal na ipinakilala ang grupong Twice.

Ilan lamang sa mga sikat nilang awitin ay ang “What is Love?”, “Cry for Me”, “Cheer Up,” “Fancy,” at marami pang iba.

Kung maaalala, taong 2019 nang huling nagtanghal sa Pilipinas ang K-Pop group bilang parte ng kanilang “Twicelights” world tour.

Related Chika:

Read more...