Sarah Geronimo ipinagpaliban muna ang concert sa Pampanga, anyare?

Sarah Geronimo ipinagpaliban muna ang concert sa Pampanga, anyare?

PHOTO: Instagram/@justsarahgph

HINDI muna matutuloy ang Pampanga concert ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo kasama ang singer-songwriter na si Bamboo.

Ayon sa ibinanderang pahayag ng Viva Live at G Productions sa Instagram, imbes na October 1 ay gaganapin nalang ito sa darating na October 29.

Paliwanag ng organizers, kasalukuyang nagpapagaling ang singer-actress na kanyang “unexpected medical condition.”

“We regret to inform the fans of Sarah Geronimo and Bamboo that the Pampanga leg of Sarah G x Bamboo tour originally scheduled for Oct. 1 at SMX Convention Center Clark is postponed and will be moved to Oct. 29 (Sunday) instead,” saad sa inilabas na statement.

Dagdag pa, “Unfortunately, our Popstar Royalty needs to rest due to an unexpected medical condition. Her health is now our top priority.”

“We ask for everyone’s understanding and support for the fast recovery of Sarah Geronimo,” anila.

Tiniyak din ng organizers na magagamit pa rin sa bagong schedule ang mga nabiling tickets.

Baka Bet Mo: Julie Anne San Jose hinamong makipag-showdown kay Sarah Geronimo: Hindi po ako lalaban

Sa pamamagitan naman ng X (dating Twitter) account ay personal na humingi ng paumanhin si Sarah sa kanyang fans.

Saad niya sa tweet, “Hi guys. I’m so sorry we have to reschedule our Pampanga show due to medical reasons.”

“Thank you for your support and understanding, my dear Popsters,” mensahe pa niya.

Bumuhos naman ang “get well wishes” mula sa kanyang fans at marami sa kanila ay nagsasabi na unahin muna ang kanyang kalusugan.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Magpagaling ka @JustSarahG. Rest well and please do take care of yourself. [folded hands emoji] We love you! [red heart emoji]”

“See you sa [October] 29  Ateee!! magpagaling kaaaaa pls [holding back tears emoji]”

“Get well soon!!! always put yourself first, we love you!”

“Get well soon, sarah! take all the rest that you need [red heart emoji].”

Magugunita noong September 22 nang inumpisahan nina Sarah at Bamboo ang kanilang concert na nangyari sa Davao.

Bukod sa Pampanga, nakatakda ring magkaroon ng show ang duo sa Sta. Rosa, Laguna at Cebu.

Related Chika:

Lovely Abella ‘dream come true’ ang bagong resort: Magtiwala ka lang, may kanya-kanyang plano si Lord

Read more...