Sey ni Kim Chiu matapos ibasura ng MTRCB ang apela ng ‘It’s Showtime’: We’re just very grateful na ang daming sumusuporta…

Sey ni Kim Chiu matapos ibasura ng MTRCB ang apela ng ‘It’s Showtime’: We’re just very grateful na ang daming sumusuporta…

PHOTO: Instagram/@chinitaprincess

NAGBIGAY ng reaksyon ang isa sa TV host ng “It’s Showtime” na si Kim Chiu matapos hindi pagbigyan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang apela ng noontime show kaugnay sa ipinataw na 12-day suspension.

Para kay Kim, umaasa pa rin siya na malalagpasan ng kanyang programa ang kinakaharap nitong pagsubok.

‘Yan ang naisagot ng TV host-actress matapos siyang tanungin ng ilang miyembro ng entertainment press sa naganap na brand launch kamakailan lang.

“Lahat naman ng problema, nakakaya namin — lalo na ang ‘It’s Showtime’,” sey ni Kim.

Baka Bet Mo: Fans nina Vice at Ion napamura sa parusa ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’: ‘Kumain lang ng icing…paano naman yung nagmura?!’

Dagdag pa niya, “Thirteen years na siyang noontime show at wala namang problema ang hindi nakakayanan dahil na-test of time [kami].”

“Lahat naman tayo, na-test tayo ng time at may natututunan tayo,” aniya pa.

Lubos ding pinasalamatan ng aktres ang lahat ng fans na patuloy pa ring sumusuporta ng kanilang show sa kabila ng kontrobersiya with the MTRCB.

“We’re just very grateful na ang daming sumusuporta sa ‘It’s Showtime’ at ‘yun po ang mahalaga,” sambit ng aktres.

September 28 nang ibinasura ng MTRCB ang inihaing Motion for Reconsideration ng Kapamilya noontime program na “It’s Showtime.”

Kasabay niyan ay iniutos na rin nito sa management ng show na itigil na ang live broadcast nito ng labindalawang araw.

Nanindigan ang ahensya na “indecent” at “inappropriate” ang naging asta nina Vice Ganda, Ion Perez, at Ryan Bang on air habang nasa harap ng mga bata.

Kasunod niyan ay naglabas na rin ng official statement ang ABS-CBN ukol diyan at sinabi na kasalukuyan na nilang pinag-aaralan ang posible nilang susunod na hakbang.

“Habang hindi pa final at executory ang ipinataw na suspensyon, nais naming ipaalam sa aming viewers na patuloy pa rin nilang mapapanood ang ‘It’s Showtime’ sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV. Pwede rin itong mapanood sa Kapamilya Online Live, iWantTFC, at TFC,” bahagi ng inilabas nilang pahayag.

Related Chika:

Lala Sotto hindi bumoto sa 12-day suspension ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’; hirit ni Vice sa madlang pipol: ‘We are in this together!’

Read more...