KAHON-KAHON na may lamang crystal meth o shabu ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa isang pantalan sa Subic.
Ayon sa inilabas na pahayag ng BOC noong September 28, hindi bababa sa P3.8 billion ang halaga ng kanilang nakuha na nagmula pa sa Thailand.
Dumating ang mga kargamento noon pang September 18 sakay ng barkong SITC SHEKOU.
Base pa sa report ng ahensya, nakita nilang nakalagay sa mahigit 500 tea bags ang mga shabu matapos isailalim sa x-ray scanning ang 59 na mga kahon.
Bukod diyan, natuklasan din nilang itinago rin ang mga ilegal na droga sa mga kahon na naglalaman naman ng chicharon o pork cracklings, tuyo, at soft drinks.
Baka Bet Mo: 8 drug suspects sa Bicol timbog, shabu na nasa kalahating milyong piso kinumpiska
Dahil sa mga nadiskubre, ang BOC ay naglabas agad ng “warrant of seizure and detention” laban sa mga naturang kargamento na posibleng may paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) ng Sections 118 (g), 119 (d), at 1113 par. (f), (I), at (l)-(3) at(4).
Nakipag-ugnayan na rin ang Customs sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI), at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) upang tulungan sila sa gagawing “controlled delivery operation,” at para na rin malaman kung sino ang mga importers ng mga ilegal na droga.
“An operation like this demands a coordinated response between and among agencies,” sey ni Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) Director Verne Enciso.
Aniya pa, “We need to make sure that we won’t only be confiscating these harmful narcotics, but that we will also know who’s leading these activities.”
Pahayag naman ng Customs Commissioner na si Bien Rubio, “We continue to enhance our information-sharing and enforcement initiatives among government agencies to stay ahead of drug syndicates and ensure that these illegal importations are intercepted even before they reach our local markets.”
Dagdag ng Deputy Commissioner for Customs Intelligence Group na si Juvymax Uy, “Narcotic interdiction remains to be at the core of our work here at the BOC.”
“This operation demonstrates the commitment and dedication of our people to fulfill their mandates and remove this menace from our streets,” ani pa.
Related Chika: