PROUD na proud ang social media influencer at content creator na si Donnalyn Bartolome sa panibago niyang milestone.
Isa kasi siya sa mga napiling nominado bilang “Best Content Creator” sa Septimius Awards na gaganapin sa Netherlands.
Ang exciting news ay ibinandera mismo ni Donnalyn sa Instagram kalakip ang kanyang litrato na tila nasa airport ng Amsterdam.
“We’re going international babies,” masaya niyang wika sa Instagram.
Anunsyo niya, “I am a nominee at the prestigious Septimius Awards ceremony—as a Best Content Creator nominee.”
“I was even more proud after finding out who the nominees alongside me are,” caption pa niya.
Ayon pa kay Donnalyn, ang pagpili sa kanya para sa nasabing kategroya ay maituturing na niyang isang panalo.
Baka Bet Mo: Donnalyn Bartolome ‘biniktima’ si Ryan Bang, humingi ng P100k para sa talent fee
“Being nominated with these globally well-known, hardworking and inspiring individuals is already a win for me, because in my opinion they all deserve this award,” lahad niya sa IG.
Kasunod niyan ay lubos siyang nagpapasalamat sa lahat ng kanyang fans na patuloy siyang sinusuportahan.
Ipinangako rin niya na lalo pa niya gagalingan sa mga gagawing contents.
“I just want to thank everyone who supported any and all the content I produced. Be it my music videos, big or small content,” sambit niya.
Aniya pa, “I’ll work harder to deserve this international recognition. I LOVE YOU PHILIPPINES [Philippines flag emoji] LET’S GO!! Kala mo korona iuuwi e [laughing emoji].”
Bukod kay Donnalyn, ilan pa sa mga nominees para sa “Best Content Creator” ay sina Aan & Matig, Mark Angel Comedy, Itchy Boots, Silo Entertainment, A Chick Called Albert, NikkieTutorials at BB Ki Vines (Bhuvan Bam).
Narito naman ang mga naging komento ng ilang fans:
“Congratulations in your new award! because you’re not just a content creator for me, also an artist, a director, a singer-rapper, a businesswoman & etc. in short.. a MULTI-TALENTED person. You deserve it @donna!”
“Congratulations po ate always proud of you i love you po keep safe and enjoy po! [red heart emoji]”
“Well deserved nomination! [red heart emoji]”
“This is probably why you’re not yet uploading another vlog. So proud of you, Ateee !! [white heart emoji]”
Maliban sa mga tagasuporta, makikita rin sa comment section na maraming kapwa-celebrities ang bumati kay Donnalyn.
Ilan lamang diyan sina Alodia, Jelai Andres, Wil Dasovich, Darla, Mikey Bustos, at marami pang iba.
As of this writing, Si Donnalyn ay mayroon nang mahigit nine million subscribers sa YouTube, 15 million followers sa Facebook at 7 million followers naman sa Instagram.
Related Chika:
Donnalyn Bartolome may pakiusap sa netizens para kay Zeinab Harake: Be kind