EXCITING news mga ka-BANDERA, lalo na sa mga estudyante diyan!
Tampok kasi ang ilang Pinoy pop groups tulad ng YARA at VER5US sa ikakasang “Dunkin’ Campus Pop Tour” presented by Dunkin’ at suportado naman ng P-Pop sensation na SB19.
Imbes sa concert stage, magtatanghal sila sa iba’t-ibang eskwelahan mula sa Manila, Bulacan, Batangas, Baguio, Cebu, Legazpi at Cagayan de Oro.
Ang confirmed schools as of this writing ay ang Jose Rizal University sa Maynila at Dr. Yanga’s Colleges, Inc. sa Bulacan, habang to be announced pa ang iba pang paaralan.
Bukod sa mga nabanggit na grupo, sinabi rin ng organizers na posible ring makasama sa tour ang iba pang Pinoy music artists kagaya nina Alex Bruce, Syd Hartha, Young Cola at marami pang iba depende sa availability nila.
At take note lang, libre ang admission para sa estudyante!
Noong September 27, nagkaroon ng exclusive press launch ang SB19, Yara at Ver5us para sa gagawing campus tour.
Baka Bet Mo: SB19 bumuo ng sariling talent agency, willing mag-train ng new talents: ‘May minamata na kami in the future…’
Nabanggit nila na ang layunin ng nasabing tour ay upang makapagbigay ng plataporma sa mga estudyante, lalo na sa aspiring artists na tuklasin ang mga nakatago pa nilang talento pagdating sa musika.
Nasaksihan ng BANDERA ang press launch at dito namin naitanong kung ano ang nag-udyok sa kanila upang gawin ang ganitong klaseng musical event.
Ang sagot ng Ver5us, “Kasi we believe na mas mabibigyan ng chance [ang P-Pop] na
mai-promote pa sa buong Pilipinas…maipaparating na hindi lang kami basta P-Pop, belong din talaga kami sa OPM.”
“Kung mapapansin niyo po sa mga music na ginagawa namin, it’s more of our lives, our passion. And siyempre lalo na po ‘yung mga kabataan din ang mga ililibot namin, So we want the youth to be inspired sa music po namin,” dagdag pa nila.
Tugon naman ng Yara, “Music in general is an expression of ourselves. So gusto namin ‘yung mga estudyante na nag-aaral at naii-stress ay meron din silang mapagliliban ng stress through music.”
Mensahe naman ng SB19, “For the students, Siyempre, alam naman natin kung gaano ka-importante ang pag-aaral. So kung may gusto kayong ibang gawin katulad ng pagkanta at pagsayaw, make sure to balance your time.”
“Mag-aral kayo nang mabuti and at the same time, magbigay kayo ng oras para i-continue ang mga bagay ng gusto niyo and ayun nga, lahat naman ng sobra ay masama so ang pinaka importante is balance…[just] make sure na mag-aral kayo nang mabuti, ang importante may natututunan kayo,” ani ng P-Pop sensation.
Dagdag pa nila, “Huwag kayo susuko and make sure to find kung saan kayo masaya kasi mahirap ipagpatuloy ‘yung bagay na hindi niyo na-eenjoy.”
Bukod sa performances, isho-showcase din ng featured artists ang kanilang musical techniques, demos at hand lectures para sa mga mapipiling estudyante during the tour.
Related Chika:
YARA binigyang-pugay ang Sexbomb Girls, ibinandera ang modern version ng ‘Bakit Papa?’