Carla game na game maging bahagi ng ‘Batang Quiapo’ ni Coco: ‘Kung bibigyan po ako ng opportunity, why not? My goodness!’

Carla game na game maging bahagi ng 'Batang Quiapo' ni Coco: 'Kung bibigyan po ako ng opportunity, why not? My goodness!'

Carla Abellana

KUMALAT ang balita na lilipat na si Carla Abellana sa ABS-CBN at lalayasan nang tuluyan ang GMA 7 pagkatapos umere ng upcoming series nila ni Gabby Concepcion.

Ang chika, kinukuha raw si Carla ng Kapamilya Network para maging bahagi ng bagong season ng “FPJ’s Ang Batang Quiapo” na pinagbibidahan nina Coco Martin at Lovi Poe.

Mas umingay pa ang balita nang makumpirmang pipirma na si Carla ng management contract sa All Access To Artists o Triple A na pinamumunuan ni Direk Mike Tuviera.

At kamakalawa nga, September 26, naganap ang contract signing ng aktres .a ginanap sa Sampaguita Gardens na sinundan ng presscon kung saan game na game na sinagot ni Carla ang lahat ng personal at intriguing questions ng media.

Isa nga sa mga naitanong sa kanya ay kung payag ba siyang maging isa sa cast members ng action-drama series na “Batang Quiapo” ni Coco.


“Kung bibigyan po ako ng opportunity, why not? My goodness! I would love to be part of Batang Quiapo.

“Pero wala naman pong offer. Wala pong inaalok sa akin na maging parte po ng Batang Quiapo.

Baka Bet Mo: Cristy Fermin umaming nagkaroon ng cancer scare: Alam n’yo po, wala pong taong matapang pagdating sa operasyon

“As of ngayon, wala naman pong final na offer na maging parte po ng kahit na anong proyekto.

“So, hindi po. Pero kung yayain po ako, kung aalukin po ako, magiging open po ako du’n,” paliwanag ng Kapuso star.

Nakasama si Carla sa katatapos lamang na “Voltes V: Legacy” at malapit nang umere ang bago niyang drama series sa GMA na “Stolen Life” with Gabby Concepcion and Beauty Gonzalez.

Ayon kay Carla, baka raw kaya natsismis na lilipat na siya sa ABS-CBN ay dahil noong May pa natapos ang network contract niya sa GMA.

“Yung akin pong kontrata sa GMA, nag-expire po nu’ng May. So, medyo matagal na rin pong expired, four months po.

“Baka doon po nagsimula po yun. Siguro, dahil question mark pa rin po, parang kumbaga, nag-expire po ang aking network contract, e, wala pa pong renewal.

“Of course, wala pa pong signing or anything. Kaya siguro may mga ganung nakakasingit, kasi question mark pa rin po yun.

“Kumbaga, wala pa po tayong masasagot du’n. Kasi it’s the truth naman po na wala naman po akong pinipirmahan pang kontrata with any network,” esplika pa niya.


Inamin din niya na gusto pa rin niyang manatili bilang Kapuso, “Ang priority ko ngayon, ang negotiation ko na network contract basically. Siyempre, yun ang pinakaimportante po, e.

“Of course, kagaya nu’ng nabanggit ko kanina. Nag-expire na ang aking GMA contract nu’ng May po. So, yun ang pinaka-priority ko sa ngayon.

“Because yun po yung trabaho ko talaga. That’ my home network. I value that so much, kasi yun ang aking regular job, that’s my home network. So, dun talaga ako naka-focus sa ngayon,” aniya pa.

Wala rin daw problema sa kanya kung bumalik sa Pilipinas ang nakahiwalay niyang asawa na si Tom Rodriguez at muling magtrabaho sa GMA.

“No problem po. Kasi ever since naman po, Kapuso po ako, 14 years na po.

“Of course, I would love to stay. My loyalty is with GMA. Sino ba naman po ang hindi gusto mag-stay, di po ba? Nandiyan na, e. Yun na po, e, yun na po yung buhay ko, e.

“Siyempre, kilala mo na ang lahat na taong nandiyan. Nandun na po yung trust. Nakapag-build na po ng family diyan.

“So, siyempre, yun yung gusto ko. Yun po yung wish ko. Yung priority ko na mag-stay sa home network,” ani Carla.

Bwelta ni Paolo Contis sa bashers: ‘Masakit po sa amin kapag tinatawag kaming Fake Bulaga, dahil wala pong peke sa ginagawa namin’

Carla napatawad na si Tom, hindi matatakot sakaling muling magkita: ‘Wala na akong mararamdaman, nahanap ko na po yung aking peace’

Read more...