Guess, guess who!? Ma-gets n’yo kaya kung sino siya?
AWA ang naramdaman ng kilalang producer-talent manager sa isang aktor na sumikat naman dati pero nagpabaya sa kanyang career.
Nagsisimula ulit ngayon sa kanyang karera ang aktor pero ang balita nga, wala raw itong ginawa kundi umutang sa lahat ng kakilala na wala nang bayaran.
Kasalukuyang may project ang aktor sa kilalang TV network na siya na ring nagma-manage ng career niya pero hindi naman kasi ganu’n kalaki ang kanyang talent fee kaya siguro laging kinakapos.
Pamilyadong tao na ang aktor at okay naman daw na minsan ay pahiramin siya pero napapadalas at hindi nagbabayad. Sabi ng aming source, “Sana hindi na lang nagsabing utang para hindi na aasa yung taong inutangan. Kasi hindi niya alam baka may paggagamitan tapos inuna siyang pahiramin.”
Tsinek namin ang mga projects ng aktor ngayon sa TV network at mukhang tsinugi rin pala agad siya sa series na ginawa niya na pinagbibidahan ng magandang aktres na hindi siya kilala dahil ipinagtanong pa sa amin kung sino siya.
Baka Bet Mo: Ogie Diaz binantaan na ang asawa ng basketball player na hindi pa nagbabayad ng utang
Since may mga hawak na shows ang kausap naming talent manager at producer ay hindi naman niya nabanggit na isasama niya ang aktor sa mga show niya, baka ayaw rin niyang mautangan. Ha-hahaha!
* * *
Sama-sama na ang panonood ng mga paboritong programa ng ABS-CBN saan man sa mundo dahil bukod sa Asya, available na rin ang Kapamilya Online Live nang live at on-demand sa Europe, Australia, at New Zealand sa YouTube.
Sabay na ang livestreaming ng Pilipinas sa mga nasabing lugar kung saan hindi na mahuhuli ang mga Kapamilya abroad sa panonood ng latest episodes ng iba’t ibang ABS-CBN shows. Una nang naging available ang Kapamilya Online Live sa Hong Kong, Japan, Singapore, at iba pang bahagi sa Asya nitong unang bahagi ng taon.
Ilan sa mga pwedeng subaybayan ng mga Pinoy sa YouTube ang Kapamilya primetime shows na “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin, “The Iron Heart” ni Richard Gutierrez, at “Senior High” ni Andrea Brillantes. Kabilang din ang mga pang-hapong serye na gigising sa damdamin ng mga manonood na “Pira-Pirasong Paraiso” at “Nag-Aapoy Na Damdamin.”
Mae-enjoy din ng buong pamilya sa loob at labas ng bansa ang walang humpay na good vibes sa “It’s Showtime” at “ASAP Natin ‘To,” at pwede rin maging laging updated sa pinakamainit na news updates sa pagtutok sa mga programa ng ABS-CBN News tulad ng “TV Patrol” at “The World Tonight.”
Ang patuloy na paglawak ng ABS-CBN Entertainment YouTube channel, ang numero unong YouTube channel sa media and entertainment category sa Southeast Asia na may 45 milyong subscribers, ay bahagi ng layunin ng kompanya na maghatid ng saya at inspirasyon sa mga Pilipino kahit nasa labas pa sila ng bansa.
Hindi na rin kailangan maging homesick dahil available rin sa Kapamilya Online Live ang ilan sa mga pinakaminahal at tumatak na Kapamilya teleserye tulad ng “Dolce Amore,” “Be My Lady,” “Los Bastardos,” at “Be Careful with My Heart.”
Andrea epektib na kontrabida: Pero ako yung laging nabu-bully sa school, tinatawag nila akong higad
Sunshine puring-puri si Barbie: Ang galing, laging ‘take one’, I’m really impressed!