Nikki Valdez
“NON-NEGOTIABLE” para sa Kapamilya actress na si Nikki Valdez ang isyu ng cheating o panloloko ng isang tao sa kanyang karelasyon.
Na-experience na raw kasi ni Nikki ang maloko ng dati niyang partner kaya hindi na niya ito hahayaan pang mangyari sa kanya ngayong napakarami na niyang natutunan sa buhay.
Tinanong si Nikki sa nakaraang episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” ng, “How do you unbreak a heart?”
Tugon ng aktres at celebrity mommy, “I don’t think you can ever unbreak a heart. It’s like ka-level po kasi ‘yan ng once you lose that trust of a person, di ba?”
“And I always tell my daughter this, ‘Siguraduhin mo na tama ‘yung sasabihin mo, tama ‘yung mga gagawin mo, tama ‘yung mga choices mo in life.’
Baka Bet Mo: Nikki Valdez, mister nahawa na rin: COVID is real but so is our God who is our Divine healer…
“Kasi once you break someone’s heart, once you lie or nasabi mo na, nagawa mo na, hindi mo naman kaya ibalik ‘yun,” lahad pa ni Nikki na napapanood gabi-gabi sa Kapuso drama series na “Unbreak My Heart.”
Kasunod nito, ipinagdiinan nga ni Nikki na non-negotiable para sa kanya ang cheating, “Because I’ve been through that.
“So it’s something na sobrang sakit na sometimes, kahit kahit masaya ka na, you are at the happiest point of your life, pagka may trigger, mababalik ka eh, naiisip mo talaga na masakit.
“Never mong mababawi ‘yun kahit ano pang sabihin mong ‘masaya naman na ako ngayon,’” paniniwala pa ng aktres.
Sa kabila ng pagkabigo sa pag-ibig, binigyan pa rin si Nikki ng taong mamahalin siya ng totoo at buong-buo, “That is when I surrendered everything.”
“Sinabi ko talaga na, ‘Ayoko na, pagod na pagod na ako. And then, the light at the end of that super dark tunnel was my daughter,” pahayag pa ni Nikki.
Sa ngayon, isa pa ring working mom si Nikki at nito lamang nagdaang August 18 ay nag-celebrate sila ng kanyang husband na si Luis Garcia ng kanilang 5th wedding anniversary.
Nag-post ang aktres sa Instagram ng photo at video nilang mag-asawa na may caption na, “My light, my God’s best, my everything… Thank you for loving me unconditionally and teaching me to love you back with no ifs and buts.
“Happy 5th wedding anniversary, my love. Your love is the greatest gift of all,” aniya pa.
Isa sa mga matagumpay na proyekto ngayon ni Nikki ay ang GMA series na “Unbreak My Heart” kasama sina Gabbi Garcia, Joshua Garcia, Jodi Sta. Maria, at Richard Yap.
Napapanood ito Lunes hanggang Huwebes, 9:35 p.m. sa GMA Telebabad at GTV ng 11:25 p.m..
Hirit ni Megan Young kapag nagloko si Mikael Daez: ‘If ever na mag-cheat, goodbye na!’
Nikki Valdez sinigurong hindi pa tapos ang laban kahit ‘talunan’ sa eleksyon: Papunta pa lang tayo sa exciting part…