Eric Quizon feeling ‘instant tatay’ sa 32 miyembro ng Starkada talent center ng NET25
By: Reggee Bonoan
- 1 year ago
Eric Quizon at ang mga Starkada artsist
WALA sa plano ni Eric Quizon ang mag-manage ng mga artista dahil abala siya sa pagiging aktor, direktor at producer ng “Quizon CT” TV series na napapanood sa YouTube channel ng NET25.
Pero dahil magtatayo ng talent center ang NET25 at nakita ni Kaizz (pet name ni direk Eric) na may potential ang mga gustong mag-artista na nakita niya sa audition kaya napaisip siya na puwede niyang tulungan ang mga ito para maabot ang kanilang mga pangarap at the same time ay magkakaroon sila ng homegrown talents.
Kaya si direk Eric na ang naging head ng Star Center ng NET25 at ang first batch ay tinawag na STARKADA na umabot sa 32 miyembro at ini-launch kamakailan sa EVM Convention Center.
Bongga ang 32 miyembro dahil may daily afternoon reality show na silang “Starkada: The Road to Kada 25” at “KADA 25” musical and light drama series.
Ipinagmamalaki ni direk Eric ang mga “anak” niya, sabi nga niya talagang naging instant daddy na siya ng mga ito.
Umabot sa mahigit 400 ang nag-audition at 32 ang natira na maraming dinaanang hirap para maipakita ang kani-kanilang talento. Dumaan din sila sa workshops at iba pang training programs.
Nagkaroon ng show ang members ng Starkada na ipinapanood muna sa mga imbitadong taga-media at vloggers para ipakita ang kanilang mga talento bago sumalang sa mediacon.
Sabi ni direk Eric, “The show is a testament to their hard work, dedication, and the belief that anyone can achieve their dreams with the right training and support.
“What you just witnessed was not just a culminating show, it’s a celebration of their journey. What’s more exciting was their family and friends were able to witness the celebration,” sabi ng direktor.
Nabanggit na ang iba sa mga ito ay inalok na ng projects sa ibang TV network bagay na ikinatuwa niya dahil simula na ito ng pagtupad ng mga pangarap ng kaniyang mga “anak.”
Yes, hindi eksklusibo ang Starkada sa NET25 dahil wiling nilang ipahiram sa ibang network at movie outfit ang mga aspiring talents para mas lalong lumaki ang kanilang gagalawan sa showbiz.
“If there’s a chance na makatrabaho sila sa ibang networks at makasama sa malalaking artista, I will not stop that opportunity. I will let them enjoy the moment. Kasi, ang sa akin, for them to become stars, they must be with stars.
“Yes, I will allow them. Depende, of course, just like any management, aalamin muna namin ‘yong role, kung maganda ba ‘yong role, bagay ba sa kanila or sa tingin ba namin would be beneficial to their stature as actors, why not?
“Kunyari, ba’t namin pipigilan ang mga artista namin kung makakasama nila si Coco Martin o si Dingdong Dantes o Marian (Rivera). Why will I not be happy to allow them na magkaroon ng chance o opportunity ang wards namin na makatrabaho ang malalaking directors sa industry? So, puwede silang hiramin,” pahayag ni Kaizz.
Kinlaro rin ni direk Eric na hindi siya magreretiro pa sa pag-arte dahil nga may bago na siyang career bilang manager ng talents at soon madagdagan din, kundi magla-lie low lang siya dahil kailangan niyang tutukan muna ang pagiging head ng Star Center.
“Medyo maaapektuhan pero hindi ako magre-retire. I think, once an actor, always an actor,” giit ng aktor-direktor at manager na ngayon.
Nasambit din na may offer siyang gumawa ng pelikula sa ibang bansa pero tinanggihan niya dahil hindi kakayanin ng schedule niya ngayong may bagong trabaho na siya sa NET25.
Natuwa si Ginoong Caesar Vallejos, NET25 president para sa homegrown talents nila kung ano ang maisi-share nila sa global entertainment industry.
Aniya, “These new talents have been carefully selected for their unique perspectives, exceptional skills, and the passion they bring to their craft. They represent a diverse range of backgrounds and experiences, ensuring that we continue to reflect the rich tapestry of our global audience.
“In the coming months, you can look forward to seeing these fresh faces in a variety of exciting projects, from scripted series to reality shows and beyond. We firmly believe that their contributions will not only captivate your hearts but also warmly embrace the cherished values of Filipino families,” sabi ng TV executive.
Ang 32 members ng StarKada ay sina Aaron Gonzalez, Arwen Cruz, Bo Bautista, Celyn David, Crissie Mathay, Dana Davids, David Racelis, Drei Arias, Gera Suarez, Gia Gonzales, Jam Aquino, Jannah Madrid, John Heindrick, Juan Atienza, Kanishia Santos, Migs Pura, Marco Ramos, Mischka Mathay, Miyuki de Leon, Nate Reyes, Nicky Albert, Ornella Brianna, Patrick Roxas, Rachel Gabreza, Shanicka Arganda, Shira Tweg, Sofi Fermazi, Tim Figueroa, Via Lorica, Victoria Wood, Yvan Castro at Zach Francisco.