Maey Bautista payag pakasalan si Betong Sumaya: ‘Why not? Sobrang ang galing-galing niya sa lahat ng aspeto ng buhay!’

Maey Bautista payag pakasalan si Betong Sumaya: 'Why not? Sobrang ang galing-galing niya sa lahat ng aspeto ng buhay!'

Betong Sumaya at Maey Bautista

NAGKAROON nga ba ng relasyon ang mga Kapuso stars na sina Betong Sumaya at Maey Bautista pagkatapos nilang gawin ang “Survivor Philippines” sa GMA 7?

Yan ang isa sa mga tanong na sinagot ni Maey nang mag-guest sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” last Friday, kasama ang co-star niya sa seryeng “Unbreak My Heart” na si Nikki Valdez.

Open book naman sa mundo ng showbiz ang espesyal na pagkakaibigan nina Maey at Betong na mas lalo pang tumibay nang maging contestants sila sa reality game show ng GMA na “Survivor Philippines” na umere noong 2012.

Sa “Fast Talk” segment ng programa ni Tito Boy ay diretsahan siyang tinanong  kung nagkaroon ba sila talaga ng relasyon ni Betong. “Diretso na po talaga ito? Ay hindi po,” sagot ni Maey.

“In another life, would you marry him?” sundot na tanong ni Tito Boy sa komedyana.


“Yeah, why not? Sobrang ang galing-galing niya sa lahat ng aspeto. Sa comedy, sa pagho-host. Isa siya sa mga nagturo sa akin kung paano maging host, maging effective na host,” ayon kay Maey.

Pero sa question kung ano ang sexiest part ng katawan ni Betong para sa kanya, ang sagot ng aktres, “None of the above!” Na ikinahagalpak naman ng mga tao sa studio ng “FTWBA”.

Baka Bet Mo: Kuya Kim hindi pwedeng maging host ng bagong ‘Eat Bulaga’, netizens ipinagtanggol sina Paolo, Betong at Buboy

Samantala, inamin din ni Maey na masaya ang lovelife niya ngayon dahil malapit na rin siyang ikasal sa kanyang non-showbiz boyfriend.

* * *

Handa na ang female pop group na BINI sa kanilang bagong era dala ang comeback single nilang “Karera” ay napapakinggan na ngayon.

Sa upbeat track, bibigyang diin ng grupo na hindi kailangan madaliin ang buhay dahil ang bawat isa ay may kanya-kanyang oras at pagkakataon.

Isinulat nina Gianina Camille “Nica” Del Rosario, Julius James “Jumbo” De Belen, at Jose Miguel Cortes ng Flipmusic ang awitin habang binuo naman ng BINI members na sina Colet, Mikha, at Stacey ang rap nito.


Ang awitin ay patikim ng grupo sa kanilang bagong EP na ilalabas ngayong Nobyembre.

Patuloy na namamayagpag ang tinaguriang nation’s girl group matapos maging nominado ang kanilang awitin na “I Feel Good” bilang Music by International Music Artist sa BreakTudo Awards sa Brazil.

Noong nakaraang taon, inilabas din nila ang kanilang ikalawang album na “Feel Good” na umani ng mahigit limang milyong streams sa Spotify at nanguna rin sa iTunes Albums chart Philippines.

Pakinggan ang comeback single ng BINI na “Karera” na available sa iba’t ibang music streaming platforms.

Kapuso comedienne nag-apply kay Coney bilang dyowa ni Vico: Matataypan po kaya niya ako?

Betong Sumaya sa 1st monthsary sa ‘Eat Bulaga’: Salamat po sa patuloy na naniwala

Read more...