Maine nambiktima ng artista hopefuls; Betong napa-'Survivor' throwback | Bandera

Maine nambiktima ng artista hopefuls; Betong napa-‘Survivor’ throwback

Ervin Santiago - April 04, 2020 - 02:44 PM

SIGURADONG mapapawi kahit paano ang inyong stress at lungkot ngayong panahon ng krisis sa hatid na good vibes ng The Boobay And Tekla Show sa GMA 7.

Makakasama nina Super Tekla at Boobay sa episode bukas ng TBATS ang Phenomenal Box-office Star na si Maine Mendoza para muling maghatid ng laugh trip sa Kapuso viewers.

Magiging kakuntsaba ng winning comic duo si Maine sa “Pranking in Tandem” segment. Ano nga kaya ang mangyayari kung ang Dubsmash Queen ang mambibiktima sa ilang artista hopefuls? Sure na ikawiwindang n’yo ang gagawin ni Meng! 

Sina Jeric Gonzales at David Licauco naman ang maha-hotseat sa nakakaintrigang “Feeling the Blank.” Ano kaya ang isasagot ng dalawang Kapuso hunks kung tanungin sila ng “Sino sa mga kaibigan mong Kapuso actors ang pumatol na sa _______?”

Winner na winner din ang viewers sa pagpapatuloy ng funny segments na “Dear Boobay and Tekla” at “TBATS on the Street” at pati na sa pagbibidahang parody segment nina Boobay at Tekla na “Till Death Do Us Part.”

Tuloy-tuloy lang ang laugh trip kasama ang Kapuso funtastic duo kaya tutok na sa mas pinaagang The Boobay and Tekla Show ngayong Linggo, April 5, pagkatapos ng Kapuso Mo, Jessica Soho!

* * *

Napa-throwback to 2012 ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya nang makita niya ang Survivor Philippines button badge nila ng kaibigan at kapwa Kapuso star na si Maey Bautista. 

Matatandaang partners ang dalawang komedyante sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown kung saan ang tinanghal na Sole Survivor ay si Betong. 

Marami nga raw good and not so good memories ang biglang naalala ni Betong nang makita niya ang mga button badge pero gaya ng pagiging survivor nila noon, ipinagdarasal daw ni Betong na “ma-survive nating lahat” ang napakalaking hamon na kinakaharap ng buong mundo—ang pandemic na COVID-19.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ni Betong, “’Wag sana tayong mawalan ng pag-asa at mas patatagin pa natin angbtiwala sa Diyos. Always stay safe & healthy guys”. 

Ito rin ang dasal nating lahat, ang maging “survivor” sa gitna ng krisis na ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending