IBINANDERA ng Parokya ni Edgar lead vocalist na si Chito Miranda ang kanyang fanboy moment recently.
Ito ay matapos niyang maka-bonding ang National Artist for Visual Arts na si Benedicto Cabrera o mas kilala bilang “BenCab.”
“Tambay muna sa @bancabmuseum with Sir Ben Cab [red heart emoji],” wika niya sa Instagram post kalakip ang selfie nilang dalawa.
Ayon kay Chito, hindi man halata pero kinikilig daw siya deep inside habang nagkukwentuhan sila tungkol sa kani-kanilang passion.
“Syempre kunwari cool lang ako pero sa totoo kilig na kilig ako nyan [grinning emoji],” caption niya.
Baka Bet Mo: Chito Miranda dinepensahan si Neri laban sa bashers ng kanyang ‘weekly meal plan’: What a cruel, cruel world
Kwento pa niya, “Dami kong tanong tungkol sa mga gawa niya and sa mga artists na nakatrabaho niya…and he answered all my questions patiently, taking his time na magkwento.”
“Nagtanong din siya about my music, and my songwriting process and syempre wala yata akong nasagot na matino [peace sign emoji],” chika din niya.
Aniya pa, “Saya lang…[red heart emoji]”
Bukod sa National Artist, naunang ibinunyag ni Chito ang matindi niyang paghanga sa Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose at sa miyembro ng SB19 na si Stell.
Magkakasama ang tatlo with Billy Crawford bilang coach sa Kapuso reality singing competition na “The Voice Generations.”
Ayon pa nga kay Chito, bilib na bilib siya sa talent at professionalism ni Julie Anne at lahat daw ng ginagawa nito ay “brilliant.”
Inamin pa nga ng bokalista na talagang nire-repost niya sa social media ang ilang ganap sa career ng dalaga.
“I cannot help but give her praise na, ‘tingnan mo ‘tong siraulong to galing talaga oh!’ And tawag ko nga sa kanya honor student, kasi during taping pinapakita niya talaga bakit siya professional,” ani Chito sa isang interview.
Galing na galing din si Chito kat Stell na inilarawan pa nga niya ito bilang “amazing.”
Papuri pa niya sa member ng SB19, “Matutuwa ka how humble the guy is or how full of wisdom, wisdom na hindi matanda, e.”
“Parang hindi… alam mo ‘yung nagbigay sa ‘yo ng (payo) parang such a good friend when he talk. I just find him amazing!” sey pa ni Chito patungkol kay Stell.
Related Chika:
Nikki Valdez sa haters: Hindi naman natin kailangang mag-away-away, ‘wag po tayong mangutya