September pa lang pero gumanap na bilang Santa Claus ang TV host at namigay ng early Christmas gifts sa mga staff members ng “It’s Showtime.”
Ito raw ang paraan ni Vice Ganda para ipakita ang kanyang appreciation sa mga kasamahan sa kanilang programa dahil sa kanilang pagmamahal sa noontime show.
Sa nabasa naming post sa isang website, bumunot si Vice Ganda ng mga pangalan ng production staff ng kanilang noontime show at hinayaan silang mag-add to cart sa isang online shopping app.
Sky is the limit ang drama ni Vice Ganda, meaning, kahit ano ay puwedeng i-add to cart ng staff.
Of course, since generous naman si Vice Ganda, talagang tinake na ng staff ang opportunity na iyon para makuha ang kanilang dream gadgets.
May isang staff na pumili ng iPhone 14 bilang regalo sa kanya ni Vice Ganda. Imagine, worth P74,499 lang naman ‘yung cellphone na yun, ha!
According to the online report, mayroon ding bumili ng “Apple Watch, an Apple iPad worth P75,000, a Samsung Galaxy Flip Z worth P47,990, and a lot more.”
Grabe ang generosity ni Vice, ha. Talagang hindi mo matatawaran.
Sabi nga ni Vice sa interview with the online program “PasaHero” hosted by George Royeca, hindi niya masukat ang kanyang kayamanan ngayon.
In the episode, natanong si Vice Ganda kung gaano na siya kayaman.
“Ang hirap ng tanong na yan. Yan ang tanong na ang dali-daling bitawan pero ang hirap sagutin. Depende siguro kung saan mo sinusukat ‘yong kayamanan na tinutukoy, say ni Vice Ganda.
“Hindi ko alam, pero hindi ko na masukat ang yaman ko ngayon,” dagdag pa niya.
“Sama-sama na ‘yung tinutukoy na yaman ko, ha. Yaman ng pananalapi, yaman ng kaligayahan sa puso, yaman ng mga naabot na rin na mga pangarap.” Vice said.
“Yaman ng mga taong nakapaligid sa akin. So kung susumahin ko, kapag pinagsama-sama ko yun, hindi ko na alam kung gaano siya kalaki, pero alam kong mayaman na ako,” paliwanag pa ng host ng “It’s Showtime.”