David Licauco nakipag-date sa child star na si Argus Aspiras, hirit ng netizens: ‘Parang mag-daddy!’

David Licauco nakipag-date sa child star na si Argus Aspiras, hirit ng netizens: ‘Parang mag-daddy!’

PHOTO: Instagram/@davidlicauco

KINATUWAAN so social media ang binansagang “Pambansang Ginoo” na si David Licauco at ang “It’s Showtime” child star na si Argus Aspiras.

Paano ba naman kasi, good vibes ang hatid ng dalawa matapos silang mag-bonding at mag-date.

Sa unang post ni David sa pamamagitan ng kanyang X (dating Twitter) account, proud na ipinakita ni David ang picture nila ng tsikiting.

May caption pa nga itong, “Arguus [heart hands emojis].”

Kasunod niya, ibinandera ng Pambansang Ginoo ang ilan sa mga ginawa nila tulad ng paglalaro sa arcade at nag-shopping din ng mga laruan.

Wika ni David, “[heart hands emojis] a date.”

Baka Bet Mo: Barbie Forteza ‘nainggit’ sa Miss Grand Philippines contestants, hinamon si David Licauco: Ako kaya, kelan mo kakantahan?

Bukod diyan ay kumain din sila sa restaurant na pagmamay-ari mismo ng aktor na ibinandera naman sa kanyang Instagram account.

Sa comment section, makikita na tila biniro pa ng internet personality na si Dustin Yu si David at sinabihan siyang nagpa-practice na raw itong maging ama.

Komento naman ng aktor na si Nikki Co, “proud daddy.”

Maraming fans din ang tuwang-tuwa kila David at Argus na ayon sa kanila ay magkamukha nga at parang mag-ama ang peg.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa mga comment:

“Pagala-gala ang mag-ama ko. CHARR HAHAHAH.”

“Parang mag daddy, magkamukha [shocked emoji].”

“Juskolord, goosebumps parang nananalamin lang! Inispoil mo si Argus, Kuya @davidlicauco. Nakikita ko na maiispoil sayo ang future kids mo.”

“Para talaga kayong mag ama [holding back tears emoji] kyooot kyooot [red heart emoji].”

Bago pa man magsama sina David at Argus, nauna nang inihayag ng aktor ang kanyang pagkatuwa sa child star kung saan inilarawan pa niya itong “cute” sa isang tweet noong Hulyo.

Para sa mga hindi masyadong aware, si Argus ang isa sa mga host ng “It’s Showtime,” partikular na sa segment na “Isip Bata.”

Related Chika:

Heart ‘kinuyog’ sa socmed matapos lumafang ng tusok-tusok: ‘Parang naging P350 kada piraso ‘yung fishball!’

Read more...