‘PasaHero’ ibinandera ang nakakaantig na istorya ni Vice Ganda, muntikan na nga bang sukuan ang pagiging TV personality?

‘PasaHero’ ibinandera ang nakakaantig na istorya ni Vice Ganda, muntikan na nga bang sukuan ang pagiging TV personality?

PHOTO: Screengrab from YouTube/George Royeca

“SUCCESS stories inspire success.”

Ganyan ang peg ng bagong online show na inilunsad ng Founder at CEO ng isang sikat na ride hailing and delivery app na si George Royeca kamakailan lang.

Pinamagatan itong “PasaHero with Mister Angkas” na ibabandera ang iba’t-ibang kwento ng kabayanihan, kasipagan at pagkamit ng pangarap ng ilang kilalang mga personalidad.

Ayon kay George, ang bawat episode ng kanyang show ay tiyak na mag-iiwan ng mahahalagang aral sa mga manonood na maaaring ma-aaply sa kanilang sarili tungo sa tagumpay.

“Pag-uusapan natin dito ang mga tips sa negosyo at diskarte sa buhay. Kasama ang iba’t-ibang

kilalang personalities na dati ay pasahero lamang ng biyaheng tagumpay, pero ngayon

“PasaHero” na,” paliwanag ng Angkas CEO.

At para sa kanyang pilot episode, una niyang naging guest ang tinaguriang “Unkabogable Phenomenal Box Office Superstar” na si Vice Ganda o Jose Marie Viceral sa tunay na buhay.

Baka Bet Mo: Vice Ganda ‘binarat’ sa isang raket, pumalag: ’Yung talent, hindi mo puwede tawaran

Dito inalala ni Vice ang mga panahon noong nag-uumpisa pa lamang siya sa entertainment industry.

Kwento ng komedyana, “I started working sa comedy bar ng 1998.”

Tanong naman sa kanya ni George, “Until kailan naging mainstream ka?”

“14 years ago,” sagot sa kanya ni Vice.

Kasunod niyan ay ibinunyag ng aktres na mutikan na niyang sukuan ang pangarap na maging TV personality, lalo na ‘nung naunahan siyang sumikat ng mga kasama niya sa comedy bar katulad nina Ethel Booba, Chokoleit at Pooh.

“So ang tagal din. Ang tagal ko ring puchu-puchu, ang tagal kong starlet, ang tagal ko ring –’yung madaanan lang ng camera, ‘yung ganun. Sobrang tagal,” chika niya.

Dagdag pa niya, “Actually, hindi ko na siya kinarir maging star sa mainstream.”

“There was a point in my career na nakikita ko na sobrang successful na ni Ethel Booba, sobrang successful ni Chokoleit, sobrang successful ni Pooh,” aniya.

Pahabol pa niya, “Si Anton ‘diba nagkaroon na ng recording, nagkaroon na siya ng MTV, sinali na siya sa isang music festival.”

Tugon naman sa kanya ng CEO, “So feeling mo, napag-iwanan ka na?”

“Napag-iwanan pero feeling ko talaga, I really believe na pinakamagaling ako sa kanilang lahat,” pag-amin ni Vice.

Sambit pa niya, “Lagi rin naman kami sabay-sabay ng guesting, pero bakit sila lagi ‘yung nabibigyan ng role sa ganitong teleserye, sila ‘yung nabigyan ng ganitong recording deal, sila ‘yung nabigyan ng ganitong opportunity.”

Gayunpaman, hindi raw siya pinanghinaan ng loob sa pagnanais niyang sumikat at makilala.

Sa katunayan nga raw ay nagsilbi itong inspirasyon upang lalong magpursige at galingan sa kanyang karera.

“Sabi ko, ‘maybe it wasn’t for me.’ So sabi ko, ‘edi sige, inyo na ang mainstream pero I will be the Queen of Comedy Bars’,” aniya.

Paglalahad pa niya, “So kinarir ko talaga ‘yung comedy bar. Siniguro ko na concert ang ibibigay sa kanila, hindi siya regular gig…Nakailang costume changes ako, Meron akong sariling banda.”

“‘Nung nauso ‘yung acoustic, acoustic comedy ‘yung ginagawa ko. Every now and then, ine-evolve ko ‘yung ginagawa ko sa comedy bar,” sey ni Vice.

Aniya pa ng komedyana, “Ang negosyo ko, sarili ko. Wala naman akong ninenegosyo e. Kaya kailangan kong paghusayan, kailangan kong mag-adapt at mag-evolve din sa need at kung ano ‘yung hype.”

Kung maaalala, nag-umpisa si Vice bilang isang singer, pero nauwi siya bilang stand-up comedian sa ilang sikat na comedy bars, kagaya ng “The Library” at “Punchline.”

Nagkaroon din siya noong ng guest appearances sa ilang shows at teleserye kabilang na ang “Kokey,” “Ligaw na Bulaklak,” “Maging Sino Ka Man: Ang Pagbablik,” “Wowowee” at “Comedy Central.”

Taong 2009 naman nang mag-umpisa ang kanyang kasikatan sa telebisyon matapos siyang maging stand-in judge para sa noontime show na “It’s Showtime,” at kalaunan ay naging regular judge at host na siya ng show kung saan binansagan na rin siyang “The Unkabogable Star.”

Samantala, Ang “PasaHero with Mister Angkas” ay mapapanood tuwing Huwebes, 1 p.m. sa YouTube, Mapapakinggan din ito sa Spotify at sa iba pang podcast streaming platforms ng parehong araw tuwing 7 p.m. in collaboration with Podcast Network Asia.

Related Chika:

Liza Soberano kabog ang first TV guesting sa South Korea

Read more...