Lee Seung-gi
TALAGA palang sikat ang Korean actor na si Lee Seung-gi.
Napatunayan namin ito when he came back to Manila at nagkaroon ng gift giving sa kanyang mga Filipino fans.
Nag-distribute si Lee food packs of BBQ Chicken and other goodies to the 200 kid residents of Quezon City at naganap ito sa Robinsons Magnolia Sunday, September 17 kung saan nakasama niya ang business mogul na si Luis “Chavit” Singson and Quezon City Vice Mayor Gian Sotto.
Papasok pa lang kami sa venue ay halos mabingi na kami sa sigawan ng mga fans. Naabutan namin si Lee habang kumakanta.
Ang huling pagdating ni Lee sa Pilipinas ay noong May kung saan nag-perform siya for his “Asian tour concert: The Dreamer’s Dream” held at the New Frontier Theater in Quezon City.
Sa kanyang speech ay sinabi ni former governor Singson na nagpapaslamat siya dahil nag-effort si Lee para pagbigyan ang kanyang mga fans at maging bahagi ng gift-giving session para sa 200 kids na mula sa Quezon City.
Si Vice Mayor Gian Sotto naman, in his speech, thanked Lee sa pagbibigay oras nito para sa nasabing event.
Baka Bet Mo: Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami
“This is a very good example na ibinigay ni Lee Seung-gi to all of us. To always look for the welfare of others,” say ni Sotto.
Pagkatapos ng gif-giving session ay nagkaroon ng mini-presscon habang nasa stage si Lee. It was a a five-question interview on stage.
When asked what he loves about the Philippines, the Korean-actor singer said na tuwang-tuwa siya palagi na nakikita ang mga ngiti ng mga kabataan kapag kapiling niya ang mga ito.
“It’s really good to see those kids not losing their smiles. I really hope they can maintain those smiles and keep that smile,” say ni Lee na ni-relay ng isang interpreter.
Sa tanong kung bakit balik siya nang balik sa Philippines, he said, “The love that you give me every time reminds me of the Philippines. So, when I have things to do in the Philippines, I really want to visit the Philippines.”
Of course, natanong din si Lee kung ano ang mga pinagkakaabalahan niya these days. The Korean-singer revealed that he has a movie coming out.
As for his TV project, Lee said na wala pa siyang drama project in the horizon pero may mga offers siya na pinag-iisipan ng kanyang management.
Nakilala si Lee sa mga hit dramas na “Vagabond,” ‘Mouse,” “My Girlfriend Is a Gumiho” and “Brilliant Legacy.”
Korean superstar Lee Seung-gi gagawa ng K-drama sa Vigan; makikipag-collab kay Chavit Singson para sa pagpapatayo ng ‘Little Seoul’ sa Pinas
Chavit ipinagamit sa ‘Probinsyano’ ni Coco ang mga lupain sa Ilocos nang libre; siniguro ang pagbabalik sa Pinas ni Lee Seung-gi