Ruru inalala ang hindi nakolektang P500 na talent fee sa fashion show; nangakong bibilhin lahat ng klase ng french fries para sa tatay | Bandera

Ruru inalala ang hindi nakolektang P500 na talent fee sa fashion show; nangakong bibilhin lahat ng klase ng french fries para sa tatay

Ervin Santiago - September 21, 2023 - 06:51 AM

Ruru inalala ang hindi nakolektang P500 na talent fee sa fashion show; nangakong bibilhin lahat ng french fries para sa tatay

Ruru Madrid

BAGO nakilala bilang Kapuso Action-Drama Prince si Ruru Madrid, dumaan muna siya sa matinding hirap at napakaraming challenges sa buhay at career.

Kabilang si Ruru ngayon sa mga in-demand leading man ng GMA 7 matapos magbida sa ilang top-rating Kapuso series tulad na lang ng “Lolong,” “Encantadia” at “TODA One I Love.”

Sa guesting ni Ruru sa September 19 episode ng “Fast Talk with Boy Abunda”, binalikan ng lead star ng seryeng “Black Rider” ang ilang hindi malilimutang eksena noong nangangarap pa lamang siyang mag-artista.

Isa sa mga naalala niya ay nang hindi nila nakuha ng kanyang tatay na si Bong Madrid ang talent fee niya sa isang fashion show na nagkakahalaga ng P500.

“Hindi ko po nakuha ‘yung P500. Umulan, kaya po hindi kami nakatuloy doon sa pupuntahan po namin.

“Kasi, naalala ko, kami po ng Tatay ko nagmo-motor lang po kami. At ‘yung motor na ‘yun hinihiram lang po namin sa driver ng tita ko,” chika ni Ruru.

Baka Bet Mo: Billy todo pasalamat sa pagsasakripisyo ni Coleen matapos manalo sa ‘Dancing with the Stars’: I love you!

Patuloy pa niya, “So nu’ng papunta na po kami ng Makati, ayun, sakto bigla po bumuhos ‘yung ulan. Sabi ng Tatay ko, ‘Mahirap nang bumiyahe.’

“So, nalungkot ako and then ‘yun ‘yung time na gusto ko sana magpabili ng french fries dahil nagugutom po ako.

“Kaso, pag-check ng Tatay ko sa wallet po niya parang nasa singkuwenta pesos lang po yata o bente pesos ‘yung laman ng wallet niya,” aniya pa.

Kaya naman ang pangako ni Ruru sa kanyang ama, “Sabi ko sa kaniya, ‘Da! Hayaan n’yo balang araw bibilhin ko sa ‘yo lahat ng french fries ng gusto mo.”

Pahayag pa ng Kapuso hunk actor, malaki ang naitulong ng mga experience niyang rejection noon dahil ito ang pinanghawakan niya upang ipagpatuloy ang kanyang mga pangarap.

Sey ni Ruru kat Tito Boy, “Ayun po ‘yung nagturo po sa akin upang maging matibay.

“Sanay po ako maging underdog. Sanay ako ng parang laging dina-doubt ng mga tao.

“Pero, nangingibabaw ‘yung pangarap ko sa buhay na kahit noon, kung nakita n’yo po ako noon talagang para akong tingting,” sabi pa niya.

At tingnan n’yo naman ang kapalaran, nagsunud-sunod ang kanyang projects sa GMA 7. Bukod sa “Black Rider”, bida rin si Ruru pelikulang “Video City” kasama si Yassi Pressman na showing na ngayon sa mga sinehan.

Pati pagkain ni Heart ng fried chicken sosyalin; Kim may bonggang payo sa mga anak

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Riders na sisilong sa ilalim ng mga footbridge, flyover papatawan ng P500 na multa –MMDA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending