Vice Ganda kinilabutan sa pagkapanalo ng ‘Isip Bata’ contestant, bakit kaya?

Vice Ganda kinilabutan sa pagkapanalo ng 'Isip Bata' contestant, bakit kaya?

HINDI maiwasan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang mangilabot sa pagkakapanalo ng isang ginang sa kanilang segment na “Isip Bata”.

Sa episode ng “It’s Showtime” noong Martes, September 19, tila isang malaking milagro ang nangyari matapos mapanalunan ni Ruby, isang single mom ang joackpot prize na P750,000 sa “Isip Bata” bukod pa sa naunang P11,000 na napanalunan nito sa first round.

Ayon kay Vice, talagang destined na mapanalunan ni Rose ang jackpot prize dahil bago pa niya tanungin ang ginang kung saan nito gagamitin ang napanalunan ay isang sign na ang ibinigay sa kanya.

Nang makumpirma nga na panalo na si Rose ay umiiyak nitong tinanggap ang perang napanalunan.

Tanong ni Vice, “Ate Ruby, ‘yang P750,000 po ay ilang araw, ilang linggo, ilang buwan nating naipon dito sa Isip Bata. Hindi siya madali at agad agad na nakuha. Tuwing naglalaro kami ng Isip Bata hinahayaan namin ang tadhana na mamili kung sino ang karapat-dapat na mag-uwi ng P750,000. Unang tanong, anong tumatakbo sa isip mo at nararamdaman mo?”

Sagot naman ng ginang, “Nagte-thank you talaga ako kasi pang-tuition talaga siya ng anak ko kasi single mom talaga ako. Wala akong trabaho… Kanina pa nagpe-pray ako, sana manalo ako kasi ‘yung problema ng anak ko, pang-tuition talaga sa college. Kaya ayun, dininig ng Diyos. Thank you. Thank you, Lord.”

Baka Bet Mo: Vice Ganda ‘binarat’ sa isang raket, pumalag: ’Yung talent, hindi mo puwede tawaran

Ani pa ng ginang kay Vice, huminto raw pansamantala ang kanyang anak sa pag-aaral at ngayong nanalo na siya ay makapagpapatuloy na itong muli.

At dito na nga ibinahagi ng “It’s Showtime” host ang naunang pangyayari bago pa manalo si Ruby.

“Nakakakilabot. Kanina habang tinatanong ko siya ng last question, nililibang ko si Argus kasi ayokong nate-tense ‘yung bata. So nililibang ko siya, nilalaro-laro ko siya. Tapos biglang bumulong sa akin si Argus. Sabi niya, ‘Meme Vice, ayoko nang mag-high school’. Sabi ko, ‘Ha? Bakit?’ [Sagot ni Argus], ‘Gusto ko nang mag-college’.

“Tapos ang rason mo ngayon, kaya gusto mong manalo kasi pang-college ng anak mo. Alam mo ‘yung walang pinanggalingan. Basta binanggit lang ni Argus,” kuwento ng Unkabogable Star.

Dagdag pa niya, “Alam ni Lord ang laman ng puso mo. Alam ni Lord ang laman ng isip mo. Alam ni Lord ang pinagdadaanan mo. At alam n’ya kung kailan at paano ka Niya tutulungan at kung kailan Niya pakikinggan at ibibigay ang panalangin mo. Ikaw ang inaantay ng tadhana na pagbigyan ng jackpot na ‘yan.”

Sey pa ni Vice, lubos siyang natutuwa dahil isang nanay ang matutugunan ang pangangailangan ng kanyang anak.

Pinaalalahanan rin niyang maging matalino si Ruby sa paggastos ng kanyang napanalunan.

Related Chika:
Rendon Labador binanatang muli si Vice Ganda: Kung may natitira pa sa’yong utak, umayos ka

Vice Ganda may pa-open letter sa ‘Showtime’ family: Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin

Read more...