Iwa Moto tinawanan ang mga nagsasabing mas pretty si Jodi sa kanya: Walang competition

Iwa Moto tinawanan ang mga nagsasabing mas pretty si Jodi sa kanya: Walang competition

SINUPALPAL ng dating aktres na si Iwa Moto ang isang netizen na nagkukumpara sa kanya kay Jodi Sta. Maria.

Sa kanyang TikTok account ay ibinahagi niya ang isang video kalakip ng komento ng isang netizen kung saan sinasabing mas maganda pa rin daw si Jodi kaysa sa kanya.

Si Iwa kasi ang current partner ni Pampi Lacson na estranged husband ni Jodi.

“mas maganda pa din c Judi Sta. Maria,” sey ng netizen.

Natawa naman si Iwa nang makita ang komento at sinagot ito ng “Number one, walang competition. Number two, wrong spelling ka te!”

Imbes kasi na Jodi ay “Judi” ang inilagay ng netizen.

Dagdag pa ni Iwa, “Papatol ako today lang. bored ako eh.”

Kaya naman hindi mapigilan ng mga netizens ang purihin ang “healthy relationship” sa pagitan ng dalawa sa kabila ng mga negatibong komento ukol sa kanila.

Baka Bet Mo: Iwa Moto pinagalitan ng netizens sa ipinost na CCTV footage ni Thirdy Lacson: ‘Parang tinuruan mo pa ang magnanakaw kung paano kayo looban’

“Wrong spelling wrong – ano b yan [laughing emoji] they’re both beautiful and kind hearted [red heart emoji],” saad ng isang netizen.

Comment namna ng isa, “i love Iwa and Jodi dhil sa pinakita nlang dlawa n pgmmahal sa isat isa.same cla maganda at my magandang puso[heart and thumbs up emoji].”

“Magkaiba ang ganda nila… daming maissue sa mundo parang mga baliw,” sey naman ng isa.

True naman talaga na sa kabila ng mga pangyayari ay kahanga-hangang maayos ang naging samahan nina Iwa at Jodi.

Maayos rin ang relasyon nina Jodi at Pampi lalong lalo na ang co-parenting set up nila sa anak na si Thirdy.

Sa katunayan, second mommy rin ang turing ng binata kay Iwa at itinuturing rin niyang anak ang binata.

Noong magtapos nga ng high school si Thirdy ay magkakasama silang nag-celebrate.

Maging si Jodi ay maganda rin ang relasyon sa mga anak nina Iwa at Pampi na sina Caleb at Mimi.

Related Chika:
Jodi proud na proud sa pagtatapos ng anak sa high school, ibinandera ang ‘blended’ family pic kasama si Iwa Moto

Iwa Moto nag-sorry sa pinangalanang ‘scammer’: She’s also a victim

Read more...