Jed Madela
TUWANG-TUWA at feeling blessed ang Kapamilya OPM artist na si Jed Madela nang ipangalan sa kanya ang class section sa isang paaralan sa Cotabato City.
Ibinahagi ng internationally-acclaimed Filipino singer sa kanyang Facebook account ang naging desisyon ng Albert Einstein School na gawing class section ang kanyang pangalan.
May malalim pa ngang hugot si Jed tungkol dito kung saan tila may pahiwatig sa ginawang pangdededma o pambabalewala sa kanya ng ilang indibidwal.
“In times when I feel so unimportant and ignored in one corner, my Lord picks me up and gives me the tightest hug,” ang panimula ni Jed sa caption ng kanyang FB status.
“I am so honored. Woke up to these photos sent my friend Manduyog Rashid,” dugtong ng singer.
Baka Bet Mo: Jed Madela naisipang tumigil na sa pagkanta: ‘Hindi na ako masaya how the industry was treating me…ibinigay ko naman lahat’
Todo ang pasasalamat ni Jed sa faculty at mga estudyante ng Grade 1-Jed Madela class at sana raw ay makapunta siya one day makabisita sana siya sa Albert Einstein School.
“In times when I feel so unimportant and ignored in one corner, my Lord picks me up and gives me the tightest hug.
“I am so honored. Woke up to these photos sent my my friend Manduyog Rashid.
“This is from Albert Einstein School in Cotabato where they named Grade One under me! I’m so happy!!!
“Sending my my love and thanks to Sir Edison, the faculty and the students! Hope to visit you in the future!!!” mensahe ni Jed.
Narito ang ilang reaksyon na nabasa namin sa FB post ng singer.
“Galing ni Lord dba..Congrats Grade 1 kna! But really, this is amazing! Dasurv!”
“Wow..you should visit the school or sponsor some of their activities. This is great!”
“You are amazing po lods!”
“Manong, this is priceless. Wow.”
“Marami nagmamahal sayo. God bless”
“Ummm you are never unimportant! And you will never be ignored!!”
May mga nag-suggest naman na bukod kay Jed pwede rin nilang ipangalan ang section ng mga klase roon sina Manny Pacquiao, Hidilyn Diaz, Lisa Macuja, Carlos Yulo at iba pang nagbigay ng karangalan sa bansa.
Eddie Garcia bibigyan ng tribute sa 23rd Far East filmfest sa Italy; 8 Pinoy movie hahataw na
Albie Casiño hindi nagpakabog kina David Licauco at Luis Hontiveros, agaw-eksena sa Mutya ng Cotabato: ‘Lashing ba ang beshy ko?’