Erik Santos
NGAYONG ulilang lubos na ang Kapamilya singer na si Erik Santos, ay mas nararamdaman niya ngayon ang matinding pangungulila at kalungkutan.
Sariwang-sariwa pa sa isip at puso ni Erik ang magkasunod na pagpanaw ng kanyang mga magulang kaya naman kapag naaalala niya ang bonding moments ng kanyang pamilya ay hindi niya maiwasan ang maging emosyonal.
Ayon sa King of Teleserye Theme Songs”, patuloy pa ring nagluluksa ang kanilang pamilya sa pagkawala ng mga parents ngunit pinipilit pa rin nilang magpatuloy sa kani-kanilang buhay.
Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, nagbigay ng payo si Erik sa lahat ng mga anak na kasama pa rin hanggang ngayon ang kanilang mga nanay at tatay.
Ni-repost ng singer ang isang report ng ABS-CBN tungkol sa naging pahayag niya about spending quality time with your loved ones, lalo na sa mga magulang habang sila ay nabubuhay pa.
“Sa mga kumpleto pa ‘yong magulang, spend time with your parents,” sey ni Erik.
Ayon pa sa binata, wala naman daw siyang pagsisisi dahil alam niya sa kanyang sarili na ibinigay niya ang kanyang best para mapasaya at maiparamdam niya sa mga magulang bago pumanaw ang mga ito.
Baka Bet Mo: Piolo ilang beses nalugi bilang producer, walang luho sa katawan: ‘I don’t spend on things na masasayang lang’
“Kasi if you would ask me kung may regrets po ako, wala po akong regrets. Kasi I took care of them.
“I have given them mas sobra pa doon sa pangangailangan nila. At nasamahan ko po sila from the very beginning of my life hanggang sa last breath nila.
“I was there. I witnessed the death of both my parents,” ang pahayag pa ni Erik.
Ang caption naman na inilagay niya sa kanyang Facebook post matapos ibahagi ang naturang report, “Spend time with your parents.”
Pumanaw ang Nanay Litz ni Erik noong November, 2022 dahil sa kanyang karamdaman. Makalipas ang ilang buwan, sumunod naman ang tatay niya.
Inamin ni Erik na talagang kinuwestiyon niya ang Panginoong Diyos kung bakit kinuha agad sa kanila ang mga magulang pero sa kabilang banda ay alam niyang may dahilan ang lahat.
“May mga pagkakataong hindi kami makapaniwala pa rin na ganu’n ang nangyari sa aming magkakapatid, na nangyari ‘yun sa magulang namin.
“Pero sinasabi ko po sa mga kapatid ko na kapag nagkaroon kami ng pagkakataong mag-usap-usap na let’s take it one day at a time.
“Kasi po ‘yung kay nanay palang pilit kong hinahanap ‘yung kasagutan sa lahat ng nangyayari pero sabi ko ‘wag na nating pilitin alamin kung ano ‘yung mga sagot basta higpitan pa natin ‘yung kapit sa Panginoon, ‘yan po lagi ang sinasabi ko sa mga kapatid ko,” pahayag ni Erik.
Heart sa reaksyon ni Chiz pag nagsa-shopping: Napipikon siya sa akin, ‘Ilang bibig na ang napakain mo riyan?’
Xian Gaza inalala ang yumaong ama, may paalala sa netizens: Spend quality time with your parents…nasa huli lagi ang pagsisisi