Dennis ‘milyonaryo’ na rin sa TikTok: ‘Hindi ako sumasayaw at mahilig magpa-cute kaya ginagawa ko na lang ‘yung nakakatawang videos’

Dennis 'milyonaryo' na rin sa TikTok: 'Hindi ako sumasayaw at mahilig magpa-cute kaya ginagawa ko na lang ‘yung nakakatawang videos'

Jennylyn Mercado at Dennis Trillo

MARAMING napapaligaya at napapatawa ang Kapuso Drama King na si Dennis Trillo sa kanyang mga pak na pak na video sa TikTok.

Talagang good vibes ang pasabog lagi ng husband ni Jennylyn Mercado sa mga inilalabas niyang TikTok video kaya naman milyones na rin ang kanyang followers.

Kuwento ni Dennis, ilang taon din daw siyang kinumbinsi ng mga taong nakapaligid sa kanya, kabilang na si Jennylyn bago siya napapayag na maging TikTokerist.

Mahiyain daw talaga sa tunay na buhay ang Kapuso actor na kabaligtaran naman sa mga ginagawa niyang content sa TikTok na bentang-benta nga sa mga netizens.

“Noong una medyo nahihiya pa rin ako. Tiningnan ko ‘yung trending, kung ano ‘yung puwede kong gayahin dahil para kang nagse-surf eh, ‘di ba?

“Kailangan makita mo ‘yung magagandang alon, magagandang waves na sasabayan mo,” pagbabahagi pa ni Dennis na muling bibida sa upcoming primetime series ng GMA na “Love Before Sunrise” kasama si Bea Alonzo.

“Hindi naman ako sumasayaw saka hindi rin ako masyadong mahilig magpa-cute kaya ginagawa ko na lang ‘yung mga nakakatawang videos,” sabi pa ng aktor.

Natanong din siya ni Tito Boy kung paano at kailan niya ginagawa ang kanyang TikTok videos.

Baka Bet Mo: Aktres na-bad trip kay sikat na female star dahil sobrang adik sa TikTok: ‘Ayoko na siyang makatrabaho!

“Kapag ginagawa mo ‘yung mga TikTok mo, mag-isa ka lang?”

“Mag-isa lang dahil hindi ko kaya nang may manonood. Halimbawa may tao sa kuwarto, ‘labas ka muna diyan mag-TikTok lang ako saglit,’” chika ng Drama King.

“Hindi ko kayang panoorin nila para mas maganda ‘yung magawa ko,” dugtong pa niya.

Sa ngayon, may mahigit 1 million followers na si Dennis sa kanyang TikTok account. Base sa nabasa naming reaksyon ng mga netizens, gusto nilang mapanood very soon ang collab nina Dennis at Jennylyn.

Dennis Trillo nangakong hindi pagtataksilan si Jennylyn Mercado: Ako na mismo ang lumalayo

Dennis Trillo ibinandera ang pagmamahal kay Jennylyn Mercado, super thankful sa aktres

Read more...