Alex ‘inaangkin’ ang bagong baby ni Toni: ‘Anak ko ata to! Sure ka ba sa ‘yo lumabas?’

Alex 'inaangkin' ang bagong baby ni Toni: 'Anak ko ata to! Sure ka ba sa 'yo lumabas?'

Alex Gonzaga, Toni Gonzaga, Paul Soriano at Baby Polly

FEELING ng aktres at TV host na si Alex Gonzaga, siya ang tunay na nanay ng second baby nina Toni Gonzaga at Paul Soriano.

As usual, aliw na aliw at laugh trip na naman ang mga fans at social media followers ni Alex sa bagong paandar niyang post sa Instagram kahapon, September 17.

Ibinahagi kasi ng TV host at content creator sa kanyang IG ang kanyang litrato habang karga ang pamangking si Polly, ang bagong silang na second baby ng kapatid na si Toni at husband nitong si Direk Paul.

“My heart as a tata is soooooo happy!!! Pero kamuka ko nga si Polly talaga! Wala din kilay!

“Anak ko ata to, @celestinegonzaga sure ka ba sayo lumabas? Humilab din kasi tyan ko noon e,” ang nakakalokang caption ni Alex sa kanyang post.

In fairness, sumang-ayon naman ang mga netizens sa hirit ng komedyana. Narito ang ilan sa mga nabasa naming reaksyon sa comments section.

Baka Bet Mo: Toni sa pagkanta ng ‘Lupang Hinirang’ sa inagurasyon ni Bongbong Marcos: I am truly honored and humbled…

“Yes! Kamukha mo talaga yan si Baby Polly.”

“Kamuka ng tita alex nya si baby polly”


“Kamukha talaga.”

“Agree! Kamuka mo nga.”

“True!! kamukha ni tata!!”

“Hawig mo nga talaga.”

“Kamukha mo Ms. Alex.”

“Hahaha… Parang kahawig mu… Mejo cheeky din hehehe.”

May mga nagsabi naman na sana’y biyayaan na rin ng anak si Alex at ang mister nitong si Mikee Morada para maging kumpleto na ang kanyang kaligayahan.

Kung matatandaan, proud na ibinandera ni Direk Paul ang pagsilang ng second baby nila ni Toni noong August 11 sa kanyang Instagram account.

Toni Gonzaga ibinandera si Baby Polly: You are the greatest reward I’ve ever held in my arms

Hirit ni Alex kay Toni pag may away sila ni Paul: Iwan mo na ‘yan, turuan mo ng leksyon!

Read more...