Dear Madam:
Hi, po! Magandang araw sa inyo. Ako po si Jesusa Pangan. Just call me Susan.
Maaari n’yo po bang bigyan ng kasagutan ang aking tanong? Last 2008 po noong ako ay matanggap bilang empleyado ng isang garment manufacturing firm.
Kinaltasan po ako ng PhilHealth at SSS ng employer ko pero wala pong Pag-IBIG akong binayaran. Nalaman ko na lamang sa aming accountant na ako pala ay hindi pa nai-register sa Pag-IBIG kaya hindi ako kinaltasan.
Noong 2010 lamang po ako sinimulang kaltasan. Paano po ba yon? Pwede ko po ba ma-retroactive yong contribution ko sa Pag-IBIG? Paano po yong employer ko? Liable po ba siya sa hindi pagkaltas sa kin? Ano po ba ang magiging penalty noon sa employer ko kung saka-sakali? Pwede ko po ba singilin iyon sa employer ko? Sino po ang dapat managot?
Umaasa sa inyong pagtugon.
Salamat.
Jesusa Pangan
REPLY: Dear Ms. Pangan,
Ito po ay tungkol sa inyong ipinadalang katanungan sa Aksyon Line noong 2 September 2013, hinggil sa hindi pagkaltas ng inyong employer ng inyong kontribusyon sa Pag-IBIG Fund mula 2008 hanggang 2009.
Nais po naming ipaalam sa inyo na simula pa noong Enero 1995, sa illalim ng RA 7742, ang pagmimiyembro sa Pag-IBIG Fund ay mandatory para sa lahat ng miyembro ng SSS o GSIS na kumikita ng hindi bababa sa P4,000 kada buwan.
Sa bisa ng nasabing batas, ikaw, bilang isang miyembro ng SSS, ay da-pat nairehistro rin sa Pag-IBIG ng iyong employer noon pa lang 2008.
Maaari kang mag-file ng Complaint of Non-deduction of Mandatory Savings sa Pag-IBIG Fund. Makipag-ugnayan sa tanggapan ng Pag-IBIG kung saan naghuhulog ng kontribusyon ang inyong kumpanya at magpakita lamang ng Certificate of Employment at payslip o anumang dokumentong magpapatunay sa hindi pagkaltas ng iyong employer sa inyong sahod ng inyong kontribusyon sa Pag-IBIG mula 2008 hanggang 2009.
Ang inyong reklamo ang magiging basehan upang makapagsimula ng imbestigasyon ang Pag-IBIG laban sa inyong employer.
Maraming salamat po.
Gumagalang,
FLORENCIO O. GALANG, JR.
Department
Manager III
Public and Media
Affairs Department
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya. Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.